Gardo Versoza na-discharge na sa ospital, dumiretso ng simbahan para magdasal

Gardo Versoza na-discharge na sa ospital, dumiretso ng simbahan para magdasal
NAKALABAS na ng ospital ang aktor na si Gardo Versoza matapos ang pagkaka-admit nito sa Intensive Care Unit o ICU.

Kahapon, April 5, nagbigay ng update ang asawa ng aktor na si Ivy Vicencio sa kanyang Instagram account na na-discharge na ito.

“Maraming Maraming Maraming Salamat po sa lahat ng nag dasal at nag alala kay Gardo ‘Cupcake’ Versoza .. sa sobrang dami nyo po hindi ko na masagot ang mga private message ninyo .. mga comment at tawag. Pasensya na po,” saad ni Ivy.

Pagpapatuloy niya, “Medyo ok na po sya at pinayagan na muna ng mga doctors nya na maka uwi.”

Sa kabila ng pagkaka-discharge ay kinakailangan pa ulit operahan si Gardo.

“After 2 months mag undergo po sya ulit ng isa pang Angioplasty. Hindi naisabay nung una dahil may Heart Attack na nangyayari. Again .. taos pusong pasasalamat po sainyong lahat,” sey pa ni Ivy.

Pagkalabas nga ng ospital ay dumiretso sina Gardo sa ospital upang magpasalamat sa Panginoon dahil hindi siya Nito pinabayaan.

Marami naman sa mga celebrities at netizens ang nagpaabot ng suporta at dasal para sa agarang paggaling ng aktor.

Baka Bet Mo: Knows n’yo ba: Bakit tinawag na ‘Cupcake’ si Gardo Versoza ng mga taga-showbiz?

“Sending healing prayers to you sir cupcake!” sabi ng isang fan.

“Get well soon Idol Gardo Versoza… Prayed for your fast healing… God will bless you because you have a good heart,” saad ng isang netizen.

Comment naman ni Sherilyn Tan, “Pagaling cupcake! Daming TikTok trending videos na naghihintay sa ‘yo.”

“Praying for your fast recovery Gardo,” sey naman ng isang netizen.

Samantala, isang quote naman ang ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram page matapos ang pagkaka-discharge nito.

“Everything happens for a reason. Sometimes it hurts, [sometimes] it’s hard but in the end, it’s all for the best. Never stop trusting God and the Divine plan,” ayon sa post ni Gardo.

Matatandaang noong March 28 ay inatake sa puso ang aktor dahil raw sa sobrang pag-eehersisyo.

Related Chika:
Kylie, Jaclyn, Jak, Gardo kanya-kanyang kuwento tungkol sa pambobola, pero si Tsong Joey may swabeng hirit

Gardo iwas muna sa politika: Mahirap, baka mailigpit ako bukas…

Read more...