Kaya namin ito naitanong ay dahil nagdiwang ng kanyang ika-32 kaarawan ang aktor noong Marso 30.
Sa mga larawang ipinost niya kasama ang mga kaibigan ay wala kaming nabasa sa comments section na bumati si Liza sa kanyang boyfriend.
Pero sabi nga namin, hindi rin naman ito basehan ng estado ng kanilang relasyon dahil baka naman personal na tumawag ang aktres sa aktor para batiin siya sa kanyang birthday.
Anyway, hanggang ngayon ay nagtataka ang karamihan dahil nasaan nga naman si Enrique sa lahat ng pinagdaanang isyu ni Liza? Wala kasing naririnig mula sa binata.
Bagama’t nabanggit ng dalaga sa panayam niya kay Boy Abunda sa kanyang “The Boy Abunda Talk Channel” sa YouTube three weeks ago na very supportive ang binata sa kanya as a friend at sabay bawi na boyfriend pala.
Kaya na-curious kami, pati na rin ang ilan sa kanilang mga supporters, kung ano na ba talaga ang real score sa LizQuen, sila pa ba o mag-BFF na lang?
Nakatsikahan namin ang long time friend ng LizQuen, sabi niya sa amin, “Hindi ko rin alam kung ano, pero sabi nila sila pa rin, mahirap ang LDR (long distance relationship) huh!
“Mga importanteng araw sa buhay nila hindi sila magkasama. Baka may usapan din naman sila, abangan natin,” sabi ng aming source.
Samantala, nakarating sa amin na tila wala pang plano si Quen na magtrabaho dahil may inalok sa kanyang project pero tinanggihan niya o baka naghahanap ng materyal na kakaiba sa mga nagawa na niya.
Pwede rin namang waiting pa rin si Enrique na sila pa rin ni Liza ang magkasama sa mga proyektong gagawin niya. Well, abang-abang na lang tayo sa mga susunod na kabanata.