Sikat na sexy star nakapagpatayo na ng sariling bahay kahit walang masyadong trabaho, rumaket bilang escort girl

Sikat na sexy star nakapagpatayo na ng sariling bahay kahit walang masyadong trabaho, rumaket bilang escort girl

Guess, guess, who!? Ma-gets n’yo kaya kung sinetch itetch?

UTAK ang ginamit ng isang sexy star upang makapagpatayo ng magandang bahay para sa kanilang pamilya dahil nga simula nang ipanganak siya ay wala silang sariling tahanan.

Ilang beses na silang pinaalis sa kanilang mga inuupahan dahil kadalasan ay hindi sila nakababayad ng renta sa tamang oras.

Mapagmahal sa pamilya, matulungin at mabait si sexy star kaya ipinangako niya sa sarili na kapag nakapasok siya sa showbiz ay paghuhusayan niya na ginagawa naman talaga niya.

Sa katunayan, kahit anong role ang ialok sa kanya ay tinatanggap niya kahit pa lumaki na ang pangalan niya sa mundo ng showbiz.

Noong hindi pa pala siya gaanong nabibigyan ng project ay gumagawa ng paraan si sexy star para mabuhay ang pamilya at tinanggap niya ang pagiging escort girl na legal naman na itong nangyayari lalo’t maayos ang usapan ng agent at ng client.

Baka Bet Mo: Enchong magbubukas ng sariling music school: We are opening Academy of Rock PH!

Tsika sa amin ay naging mabenta si sexy star dahil mabait, maayos kausap at walang mairereklamo ang mga client lalo na kung isinasama siya sa business meetings dahil may alam din siya sa negosyo.

Yes, may negosyo ang sexy star at kilala ang establisimyentong ito na ayaw na lang ipabanggit ng aming source dahil marami rin siyang kasosyo sa nasabing business.

Anyway, dalawang taon umabot na walang project ang sexy star pero nakapagpatayo siya ng bonggang bahay kung saan sila nakatira ng pamilya ngayon kaya nagtatanungan ang lahat kung saan siya kumuha ng panggastos.

Sabi ng aming source, “Mautak ang lola mo, e, di siyempre sa sipag at tiyaga.”

Sa kasalukuyan ay marami nang projects ang sexy star at sabi ng aming source ay showbiz ang prayoridad niya ngayon habang may mga offers.

Nakapanayam na namin ang sexy star ng dalawang beses at maayos siyang kausap at may naging dyowa siyang taga-showbiz din na lulubog at lilitaw ang career.

* * *

Huwag pasigurado ngayon ang lahat ng driver ng pampublikong sasakyan na puwede silang magpalabas ng mga pelikulang naayon sa gusto nila para makakuha ng maraming pasaherong uuwi sa mga probinsya para ngayong Semana Santa.

Halos araw-araw ang anunsyo ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na ang pupuwede lang ipalabas na pelikula ay may “G” o “PG” rating lang ang pinahihintulutan na ipalabas sa loob ng mga pampublikong sasakyan.

Nakasaad sa MTRCB Memorandum Sirkular Blg. 09-2011 na ang lahat ng mga pampublikong sasakyan at pampublikong lugar na nagpapalabas o nagtatanghal ng mga “motion picture” ay itinuturing na rin na “movie theaters,” dahil ito ay accessible sa lahat

“All common carriers and other public places that openly and publicly exhibit motion pictures shall be treated as movie theaters for purposes of regulation by the Board.

“Owing to their public service character and accessibility to the public regardless of age, common carriers and other public places can only publicly exhibit motion pictures classified by the Board as for General Patronage (G) or Parental Guidance (PG).

“Materials with contents beyond the ‘PG’ rating, are prohibited for public exhibition in common carriers and other public places: Sexually derived and vulgar use of swear words or those referring to the genitalia; Use of strong expletives; Sexually oriented nudity; Breast exposure; Implied and graphic depiction of sexual activity; Exhibition of genitalia and excretory functions; Glamorization of violence and criminals

“Portrayal of characters taking pleasure in inflicting or receiving pain; Sexual violence; Focalization on injuries and blood; Images of drug and substance use; Gory and strong scary scenes; Those that are contrary to law and/or good customs, and finally; Those that are libelous or defamatory.”

Matatandaan na noong taong 2011, ang MTRCB ay lumagda ng Memoranda of Agreement sa pagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at sa Maritime Industry Authority (MARINA).

Layunin ng ugnayan ng mga ahensiyang ito ang maproteksiyunan ang kapakanan ng publiko laban sa mga pelikula at palabas sa telebisyon na offensive at labag sa contemporary Filipino cultural values, na siyang pamantayan ng MTRCB Board sa pagrerebyu ng mga nilalaman ng pelikula at telebisyon.

Hinihikayat ang mga pasahero na i-report ang anumang paglabag sa MTRCB sa pamamagitan ng: elektronikong liham: admin@mtrcb.gov.ph; telepono: (632) 8 276 7380; o Facebook/Instagram: @MTRCBGov.

John Arcilla umaasa pa ring magkakaroon ng sariling pamilya sa edad na 56: Kayang-kaya pa, tsaka hindi naman ako baog!

Francine naibili na ng bahay at sasakyan ang pamilya; pangarap ding makakuha ng college diploma

Read more...