Baguhang sexy star na si Joana David aminadong asset ang boobs sa pagsabak sa showbiz | Bandera

Baguhang sexy star na si Joana David aminadong asset ang boobs sa pagsabak sa showbiz

Ervin Santiago |December 06,2022
facebook
share this

Baguhang sexy star na si Joana David aminadong asset ang boobs sa pagsabak sa showbiz

Ervin Santiago - December 06, 2022 - 04:23 PM

Baguhang sexy star na si Joana David aminadong asset ang boobs sa pagsabak sa showbiz

Joana David at Vic del Rosario

PALABAN at wala ring inuurungan pagdating sa hubaran ang baguhang sexy star na si Joana David.

Siya ay isa sa mga talent ni Lito de Guzman na naging Playboy Playmate of the Year noong 2019 kaya hindi na bago para sa dalaga ang pagpapaseksi at pag-arte sa harap ng mga camera.

Debut movie ni Joana ang Vivamax Original sex-drama film na “Pamasahe” na pinagbibidaha ni Azi Acosta at dito’y sumabak nga sa nakakikiliting love scene ang dalaga.

Aniya, “Ang role ko sa movie ay isang prostitute. Kami iyong mga babaeng umaakyat sa barko para magbigay aliw sa mga kalalakihan.”

Kuwento pa ng dalaga, “Si Alvaro Oteyza ang ka-love scene ko rito, ang role ko rito ay si Cindy, bale isang pokpok na ipinapadala sa barko para sa mga seaman.

“Isa lang po ang love scene namin sa movie, pero sa palagay ko ay exciting po ito… bale, iba-iba kasing position na ginawa namin ni Alvaro, eh,” aniya pa.

Aminado si Joana na pansinin ng boys ang kanyang malulusog na boobs at kabilang ito sa maituturing niyang asset sa pagpasok sa showbiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joana David (@joanadaviid)


Chika ng seksing newbie, “Ang vital statistics ko ay 36-24-36 at sa totoo lang, pansin ko na karamihan sa boys, madalas ay nakatingin sila sa dibdib ko.

“Pero deadma lang naman ako sa kanila, basta ba huwag lang hihipuin itong papaya ko, puwedeng tingnan pero bawal ang touch. Ha-hahaha!

“Maituturing kong asset sa pagpasok ko sa showbiz ang aking boobey. Ha-hahaha!” ang tawa nang tawang chika ng Vivamax Bombshell.

Ano sa palagay niya ang mararamdaman nang makakapanood ng “Pamasahe,” kapag nakita nila ang mainit na love scene niya rito?

“Nasa kanila na yun kung ano ang iisipin nila, pero trabaho lang talaga ito. Pero sa tingin ko po ay mag-iinit ang viewers at mag-eenjoy sila, lalo na yung mga mahihilig na boys!” sey ni Joana.

Mula sa direksyon ng tinaguriang cult director na si Roman Perez. Jr., tampok din sa “Pamasahe” sina Mark Anthony Fernandez, Felix Roco, Julio Diaz, Rash Flores, Alvaro Oteyza, Chadd Solano, Shiena Yu, Shirley Fuentes, at marami pang iba.

Mapapanood na sa Vivamax ang “Pamasahe” simula sa December 9.

Showbiz couple bigla na lang naghiwalay; may malalim na dahilan ayon sa aktor

Baguhang sexy star proud na umaming naging kasambahay, nagtinda rin ng mga kakanin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Derek sa ‘kagat-kagatan’ video nila ni Ellen: Hoy, I’m not a boob guy…I just want to nibble

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending