Child Star pinalayas sa inuupahang bahay, napilitang magtinda sa may riles ng tren | Bandera

Child Star pinalayas sa inuupahang bahay, napilitang magtinda sa may riles ng tren

- September 11, 2018 - 12:25 AM


AWANG-AWA ang mga manonood sa dating child star na si Rhed Bustamante. Ipinalabas sa Rated K ni Korina Sanchez last Sunday ang buhay ngayon ng bagets kasama ang kanyang pamilya.

Matagal nang hindi napapanood sa telebisyon at pelikula si Rhed kaya hindi na niya natutulungan ang kanyang magulang sa pang-araw-araw nilang gastusin.

Kung matatandaan, napanood noon ang bata sa GMA primetime soap na Endless Love (2010) at sa Kapamilya serye na FlordeLiza (2015). Nakasama rin siya sa mga pelikulang “Seklusyon” (2016), “The Amazing Praybeyt Benjamin” (2014), at Maria Leonora Teresa (2014).

Sa panayam ni Korina kay Rhed, inamin nitong pinalayas na sila sa dating inuupahang bahay dahil hindi na ila nakakabayad ng renta, bukod pa sa naputulan na rin sila ng kuryente. Nasa Meycauyan, Bulacan na sila ngayon at doon patuloy na lumalaban sa buhay.

Ayon pa sa dating child star, hindi na rin daw makapagtrabaho ang kanyang tatay na isang mekaniko dahil nagkaroon ito ng sakit sa baga. Tinutulungan ngayon ng bagets ang kanyang nanay sa pagtitinda sa may riles ng tren sa Sampaloc, Manila.

“Mahirap po isipin kasi ganu’n talaga ang buhay po. Minsan hindi ko na rin alam kung anong gagawin para makatulong sa pamilya ko po,” ani Rhed.

Gusto ba niyang makabalik sa showbiz? “Opo, opportunity rin po kasi yun para medyo makaraos po. Wish ko po may makatulong sa akin para sa pag-aaral naming tatlong magkakapatid. At saka siyempre kailangan lagi mag-pray kay Lord.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending