Ysabel Ortega maayos na ang relasyon sa amang si Lito Lapid: ‘I’m grateful for what we have now’

Ysabel Ortega maayos na ang relasyon sa amang si Lito Lapid: 'I'm grateful for what we have now'

Ysabel Ortega at Lito Lapid

OKAY na okay na ang relasyon ngayon ng Kapuso actress na si Ysabel Ortega sa kanyang biological father na si Sen. Lito Lapid.

Nagpapasalamat ang “Voltes V: Legacy” lead star na makalipas ang ilang taon ay maayos na uli ang samahan ng kanilang pamilya sa amang aktor at senador.

Pagbabahagi ng rumored girlfriend ni Miguel Tanfelix, close raw siya sa kanyang tatay noong bata pa siya, pero nagbago nga ito nang magkaroon ng problema at issue sa kanilang pamilya.


“Growing up I was very close to my dad, I always talk about it, I’m always grateful for it.

“Of course there was a time, for people who knew about it, there was a rough patch po. Pero, it always happens with family,” pahayag ni Ysabel sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda.”

Pagpapatuloy pa niya, “Palagi namang nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan sometimes but grateful ako kasi now we’re okay.

Baka Bet Mo: Miguel Tanfelix umamin na kay Ysabel Ortega: Yung mga traits na hinahanap ko sa babae, nakikita ko sa kanya

“We get to talk with each other, we see each other from time to time. What matters is now, and I am grateful for what we have,” dugtong ng dalaga.

All-out din daw ang pagsuporta sa kanya ng amang senador sa pag-aaral niya ngayon ng Law.

Sa mga hindi pa aware, sinYsabel ay anak ni Sen. Lapid sa dating actress-singer na si Michelle Ortega.


Samantala, super thankful and grateful din si Ysabel sa pagkakaroon ng ikalawang ama na itinuring talaga siyang tunay na anak. Yan ay ang kanyang stepfather na si Gregorio Pimentel.

“Kasi po I know na it’s not easy to treat someone else’s daughter as your own. So I’m just very grateful kasi I found a father in Daddy Greg.

“I know it’s not easy to accept that. But he treats me as his own daughter, and I’m very happy because I’m happy to say na now, I have a family. I have a whole family,” sabi pa ni Ysabel.

Aniya pa, “For me po kasi ‘yung relationship namin ni Daddy Greg, it’s not the very showy kind. Hindi po kami masyadong showy. Love language namin is pang-aasar.

“Actually nag-aasaran kami pero we never really tell each other how we mean to each other,” sey pa ng Kapuso star.

Lito Lapid proud tatay sa mga na-achieve ni Ysabel Ortega sa GMA 7: ‘Ang galing na bata! Congratulations, anak!’

Miguel sa bagong leading lady: Exciting para sa akin ang loveteam na ‘to kasi si Ysabel ang kasama ko

Read more...