Mayamang investor ayaw nang maglabas ng pera para sa mga pelikula ng movie produ: ‘Kasi puro flop daw ang projects’

Mayamang investor ayaw nang maglabas ng pera para sa mga pelikula ng movie produ: 'Kasi puro flop daw ang projects'

Guess, guess who!? Hulaan time na!

MUKHANG nadala na ang mayamang investor ng movie producer dahil halos lahat daw ng pelikulang sinosyohan nila ay flop.

Bigla tuloy kaming napaisip habang sinusulat namin ang balitang ito na oo nga, wala pang pelikulang kumita ang nagpapakilalang movie producer.

Bukod dito ay sobrang laki raw ang hininging budget ng movie producer sa investor niya para sa big project na hindi naman daw nakita sa pelikula kung ano ‘yung sinasabing big project.

Hindi namin napanood ang pelikula kaya hindi kami makapagkomento pero base sa mga bidang artista ay parang hindi naman kalakihan ang talent fee ng mga ito.

Baka Bet Mo: Sikat na male celeb hiniwalayan ang dyowa nang malamang ‘kumabit’ sa mayamang personalidad

Mismong mga kaibigan ng investor ang nagmo-monitor sa projects ng producer kaya naka-report lahat.

At ngayong may nilatag na namang pelikula ang producer sa investor at hindi na siya sinasagot pa na laging sabi ng assistant ay babalikan na lang siya.

Bale ba nakipag-meeting na ang producer sa mga bubuo ng pelikula at mga kilalang artista ang bibida plus premyado rin ang direktor na nangungulit na rin kung kailan magsisimula ang passion project ng producer.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay dedma pa rin daw ang investor na tila may iba ng kinakausap para sa mga susunod nitong proyekto.

Naalala ko ang tsika ng kilalang direktor sa amin na marami raw producers ngayon na nangangako ng malaking budget at pang mainstream pa pero kapag ginagawa na ang pelikula, grabe na ang pagtitipid to the max na ang ending ay pang indie pala ang buje.

* * *

Kamakailan ay nabanggit ni Nanay Cristy Fermin sa “Showbiz Now Na” vlog nila nina Romel Chika at Wendell Alvarez na hindi na kasama si Maine Mendoza sa “Eat Bulaga” kapag natuloy ang pagpapalit ng hosts dahil may iba na itong prayoridad.

Inaasikaso na raw kasi ng female TV host ang nalalapit nitong kasal nila ni Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde.

Pero kapag may mga sponsor project ay okay kay Maine tulad nitong pagpapaalala niya sa nalalapit na deadline ng pagpaparehistro ng SIM cards.

Pagpapaalala ni Maine sa lahat, “Hi friends! Di muna ako magpapatawa. Seryoso ‘to. Mag-SIM Reg para hindi SIM dead, Huwag dedmahin ang deadline para hindi ma-dead ang  SIM ninyo.”


Ang kanyang babala ay ayon sa itinakdang deadline ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para i-register ang lahat ng SIM sa bansa hanggang sa deadline na April 26, 2023. Lahat ng SIM na hindi mare-rehistro ay permanenteng made-deactivate o ang tinatawag na SIM dead.

“Gusto ba ninyong mag-expire ang inyong mga SIM, dahilan para hindi na makapagbayad ng mga bills online, makapag-online shopping, at ‘di na rin makapasok sa Facebook, Tiktok at Instagram? Kaya huwag nang ipagpabukas pa, MAG SIM REG NA PARA HINDI SIM DEAD,” payo ni Maine.

Malaking hassle talaga ang permanent SIM deactivation o SIM dead dahil mawawala na ang naka-load na balance ng iyong SIM.

Pag SIM dead, hindi na rin makakatanggap o makakapagpadala ng text message, pati na ang One-time Password (OTP) na requirement ngayon sa digital banking,  mobile wallet apps, at iba pang social media apps tulad ng Facebook, Messenger, TikTok, o YouTube.

Hindi na rin magagamit ang SIM para tumawag or makatawag, at siyempre di na rin makakakonek sa Internet. Kung ikaw ay Smart Prepaid o TNT subscriber, i-register na ang iyong SIM sa https://www.smart.com.ph/simreg.

TV executive bumuwelta sa nagsabing flop ang ‘Darna’; bakit parang si Joshua na ang bida at naetsapwera si Jane?

Pagpaparehistro ng SIM nagsimula na; Anu-ano nga ba ang dapat gawin?

Read more...