Waitress kumandong kay Lee O’Brian, hirit ni Pokwang: Sa wakas natagpuan na niya ang pangarap niyang babae!

Waitress kumandong kay Lee O’Brian, hirit ni Pokwang: Sa wakas natagpuan na niya ang pangarap niyang babae!

PHOTO: Instagram/@itspokwang27

TILA uminit nanaman ang dugo ng comedienne-actress na si Pokwang dahil sa estranged partner na si Lee O’Brian.

Ito ay matapos makarating sa komedyana ang sumbong ng ilang netizens na spotted ang dating partner sa Taguig na may nakakandong na waitress.

Dahil diyan ay hindi napigilang ihayag ni Pokwang ang kanyang saloobin tungkol sa nalaman.

Tweet niya, “Susme e ano naman kung may naka kandong na waitress sa kanya dyan sa isang mexican bar sa bgc? hayaan niyo siya.”

Sey pa niya, “Masaya siya dahil sa wakas natagpuan na niya pangarap niyang babae at deserve niya ‘yan.”

“Yeheeeyy congratulations po [clapping hands emoji] ang saya saya [laughing face emoji],” saad pa sa kanyang Twitter post.

Nilinaw din ni Pokwang na hindi siya bitter sa pamamagitan ng hashtag sa dulo ng kanyang caption.

Baka Bet Mo: #TrueBa: Panganay na anak ni Pokwang na si Ria Mae, buntis nga ba?

Napa-comment naman ang fans ni Pokwang at pinaalala na mas mahalaga ay masaya ngayon ang aktres.

“Kuntento na si mamang. ‘Wag niyo na imarites ‘yung mga nakikita niyo.”

“I know the feeling, ang importante nakaalis na tayo sa toxic relationship. ‘Yan pinakamahirap desisyunan dahil may anak na dapat i-consider. Stay strong po [red heart emoji].”

“Hayaan mo na siya, mommy Pokssss! ang mahalaga eh masaya ka na ngayon sa buhay mo at unti-unti ka ng nag-hi-heal. hugs!!!! [random emojis].”

Kamakailan lang ay ibinandera ng komedyana na kumuha na siya ng high-profile lawyer.

Wala pang idinetalye si Pokwang kung ano ang ikakaso sa dating boyfriend, pero ito ay para sa kustodiya at child support ng kanilang anak na si Malia.

Kung maaalala, isa sa mga rason kaya niya hiniwalayan at pinalayas ang dating partner dahil anim na taon na itong naging palamunin at walang ibinibigay na child support para sa anak nila.

Related Chika:

Edward Barber natagpuan ang kanyang ‘calling’ bilang Christian, naghahanda na para maging pastor

Read more...