BAKIT nga ba nag-artista ang tinaguriang Pambansang Ginoo na si David Licauco?
‘Yan ang naging tanong ng talent manager at YouTube vlogger na si Ogie Diaz nang makapanayam ang aktor kamakailan lang.
Ayon kay David, ang nagtulak sa kanya ay ang pagiging strikto ng kanyang mga magulang.
“The reason talaga kaya ako nag-artista kasi hindi ako pinapayagan ng magulang ko na lumabas ng bahay. Strict kasi sila,” sey ng aktor.
Chika pa niya, “All my life until 2013, naaksidente kasi kami ng mga kaibigan ko sa SLEX. So na-injured ako and my bestfriend died. Kaya ‘yun ‘yung turning point kung bakit din ako nag-stop mag-basketball.”
Ibinahagi rin mismo ni David na hindi naging madali ang kanyang paga-artista dahil sa mga pagsubok na kanyang hinarap.
Baka Bet Mo: ‘Buko’ ni David Licauco pinagtripan ng mga beki, topless photo sa beach viral na
Nabanggit pa niya na ilang beses siyang nag-audition para maging commercial model ngunit kahit isang beses raw ay hindi siya nakukuha.
“Nag-start po akong mag-artista, kumbaga ‘yung sinubukan kong maging artista was 2014 ‘nung nag-Mr. China Town ako sa kabilang network, and then after that, wala naman akong nakuhang mga shows e. Kumbaga nag-try akong maging commercial model, VTR, nagfa-fashion shows ako,” kwento ng Pambansang Ginoo.
Gayunpaman ay hindi raw ito ang dahilan na panghinaan ng loob kaya hindi siya tumigil hanggang sa marating kung ano ang meron siya ngayon.
“Kumbaga iku-kwestyon mo ‘yung sarili mo kung para sa akin ba ‘to? Baka naman hindi para sa akin, nagsasayang lang ako ng oras, ayun. Pero I just kept on trying,” sabi ni David.
Patuloy niya, “Sinubukan ko lang talaga and never pa rin until ‘yun na nga until 2017, nag-start umokay ang career ko.”
Inamin ni David na malaki ang nagbago sa kanyang buhay mula nang sumikat siya.
Bukod sa nawala ang kanyang privacy, naging super busy na rin daw talaga siya ngayon at ito raw ay lubos niyang pinagpapasalamatan.
Sabi ni David, “A lot of things changed, of course, kasi pinaka-miss ko ‘yung privacy. Kasi I feel like kapag nakuha mo ‘yung fame, there’s a price na kailangan mong bayaran, which is ‘yung privacy mawawala sayo…Aaminin ko na nakakapagod talaga.”
“But then, it’s like a constant battle with yourself, with your brain na parang, ‘okay David, stop. Don’t think about it’, isipin mo lang na nakakapagpasaya ka ng maraming tao. Pinasok ko to e. Ito ‘yung trabaho ko na to give entertainment to people, to make people happy, to be an inspiration to fans,” ani pa ng aktor.
Sa huli ay nilinaw ni David na wala silang isyu ng aktor ni Jak Roberto nang tanungin siya ni Ogie kung may hiya factor ba siyang nararamdaman dahil ka-loveteam niya si Barbie Forteza.
Deretsahang sagot ng aktor, “I feel like naiintindihan naman ‘yun ni Jak, ‘yung situation kasi artista rin siya.”
“Siguro kapag hindi siya artista, I’m pretty sure magseselos siya sa ganun kasi hindi niya alam kumbaga ‘yung situation sa industry. I believe na mabait na tao si Jak, masipag siya,” chika pa niya.
Aniya, “And I feel he is secure naman with himself. I don’t think that’s an issue. I mean, at least not for me. Hindi ko alam kung meron silang ganung klaseng issue but I don’t think so.”