NAGLABAS ng bagong update ang talent company ng K-Pop sensation na BTS patungkol sa nalalapit na mandatory military enlistment ng isang miyembro nito na si j-hope.
Wala pang eksaktong petsa kung kailan mismo magsisimula ang rapper-singer, pero ayon sa Big Hit Music ay planong nitong maging “active duty soldier.”
Sey sa pahayag na inilabas sa pamamagitan ng fans platform na Weverse, “j-hope intends on enlisting as an active duty soldier, and there will be no separate or official ceremony at the time and date of his enlistment at the new recruit training center.”
Pinayuhan din ng agency ang fans na huwag nang pumunta sa enlistment ceremony ng K-Pop idol upang maiwasan ang posibleng aksidente na mangyari.
“The enlistment ceremony held at the training center is a place meant for new recruits and their family and close friends,” lahad ng Big Hit Music.
Patuloy pa, “In order to prevent any chaotic situations and safety accidents, we strongly insist that fans do not visit the site.”
Baka Bet Mo: J-hope ng BTS may solo docu sa Pebrero, tungkol kaya saan?
“Please just send your warm wishes of greetings and encouragements in heart only,” aniya.
Ayon sa ulat ng ilang K-media outlet reports, inaasahang magsisimula ang enlistment ni j-hope ngayong Abril.
Noong nakaraang buwan lamang ay inanunsyo ng music label na nagpasa si j-hope ng “notice to cancel” para sa kanyang “enlistment postponement.”
Ibig sabihin niyan ay ano mang oras ay posible na siyang ipatawag upang sumabak na sa military service.
Si j-hope ang ikalawang miyembro ng BTS na tutuparin ang mandatory military service sa South Korea.
Related Chika:
Jin ng BTS nagsimula na sa kanyang mandatory military service sa South Korea