‘The Glory’ stars Lee Do-hyun, Lim Ji-yeon kumpirmadong ‘currently dating’ na

‘The Glory’ stars Lee Do-hyun, Lim Ji-yeon kumpirmadong ‘currently dating’ na

IT’S CONFIRMED! Nasa “dating stage” ngayon ang South Korean stars na sina Lee Do-hyun at Lim Ji-yeon, ang mga bida ng hit K-Drama series na “The Glory,” ayon sa talent agency ng dalawa.

Unang ibinalita ng South Korean media outlet na Dispatch na nagsimula ang kanilang relasyon noong nakaraang taon matapos magbakasyon ang dalawa kasama ang cast members ng nasabing pelikula.

Inilabas din ng media outlet ang litrato ng dalawa na nasa parking lot ng isang building na kung saan nakatira ang aktor.

Ngayong April 1 ay kinumpirma ito ng talent agency ni Ji-yeon at naglabas pa ng official statement.

Ayon sa ahensya, nagka-developan ang dalawa habang ginagawa ang nabanggit na pelikula.

“Lim Ji-yeon and Lee Do-hyun have gone from being close colleagues to the stage of cautiously getting to know one another better with positive feelings,” sey sa phayag.

Dagdag pa, “We’d be grateful if you’d look warmly upon [their relationship].”

Baka Bet Mo: Pokwang inaming pinagtakpan noon si Lee O’Brian: Umaasa pa akong maaayos pa kami

May kaparehong pahayag na inilabas ang agency ni Do-hyun at sinabing, “After spending some time as close colleagues, the two of them developed an interest in one another, and they are cautiously getting to know [each other].”

Gumanap sina Do-hyun at Ji-yeon bilang Yeo-jeong at Park Yeon-jin sa “The Glory.”

Ang Korean drama series ay pinagbibidahan ng Korean actress na si Song Hye-kyo bilang Moon Dong-eun na maghihiganti sa mga dating nang-api sa kanya.

Base sa pelikula, naging biktima siya ng bullying at karahasan sa kanyang paaralan noong siya ay isang teenager pa lamang.

Related Chika:

Xian Lim hindi pa handang maging tatay: Spiritually, I think I need a proper mindset for it

Read more...