Netizens may napansin kay John Lloyd nang makatabi sa litrato sina Piolo, Diether at Jericho: 'Bakit parang naawa ako sa kanya?' | Bandera

Netizens may napansin kay John Lloyd nang makatabi sa litrato sina Piolo, Diether at Jericho: ‘Bakit parang naawa ako sa kanya?’

Ervin Santiago |April 02,2023
facebook
share this

Netizens may napansin kay John Lloyd nang makatabi sa litrato sina Piolo, Diether at Jericho: ‘Bakit parang naawa ako sa kanya?’

Ervin Santiago - April 02, 2023 - 06:50 AM

Netizens may napansin kay John Lloyd nang makatabi sa litrato sina Piolo, Diether at Jericho: 'Bakit parang naawa ako sa kanya?'

Diether Ocampo, John Lloyd Cruz, Piolo Pascual at Jericho Rosales

SANA nga’y may mga producer ang magkainteres na pagsama-samahin sa isang bonggang project sina John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, Diether Ocampo at Jericho Rosales.

Yan ang request ng kanilang mga loyal supporters nang mag-viral ang kanilang litrato sa social media na kuha sa naganap na reunion party ng mga original Star Magic artists kasama ang kanilang mentor at star builder na si Johnny Manahan.

Talagang nag-trending sa socmed ang muling pagsasama-sama ng apat na aktor sa kanilang reunion na nagsilbi ring belated birthday celebration ng kanilang tatay-tatayan sa showbiz at dating Star Magic head na si Mr. M.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Nakasama rin sa naturang selebrasyon sina Heart Evangelista, Bea Alonzo at Maja Salvador at ang dating Star Magic executive na si Mariole Alberto na sumama kay Mr. M nang lumipat sa GMA 7.

Base sa mga nabasa naming comments sa socmed, marami ang nanawagan na sana’y makagawa sina Lloydie, Diet, Papa P at Echo ng proyekto na magkakasama dahil siguradong papatok ito sa madlang pipol.

Marami naman ang pumuri sa itsura ngayon nina Diether at Jericho, kabilang na ang mga beki na buong-ningning na nagsabing habang nagkakaedad daw ang mga ito ay mas lalong “sumasarap” at nagiging “yummy.”

Baka Bet Mo: John Lloyd sa tanong ni Willie kung ready nang ma-in love uli: Handang-handa na!

Kabaligtaran naman ito ng ilang komento na nabasa namin about John Lloyd na tila nawala na umanonang matinee idol look. Kitang-kita pa nga raw ang pagkakaiba niya nang makatabi sa litrato sina Diet, Piolo at Echo.

Pinuna rin ng ilang netizens ang “OOTD” ni Lloydie na simpleng-simple sa kanyang suot na t-shirt and pants with matching pink na sumbrero na halos nakatakip na sa kanyang mukha.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Lloyd Cruz (@johnlloydcruz83)


“Bakit parang nakaramdam ako ng awa kay Lloydie sa photo nila ng OG (original) Star Magic talents?”

“Actually hindi ko sya nakilala. Akala ko si…si…naku wag na. Basta napakalayo na ng itsu nya sa dating John Lloyd.”

“Anyare kay JLC? Mukhang losyang na. Nyemas na Kamuning filter yan.”

“Agree mare! Parang s’ya yung pinakamatanda sa kanila diyan.”

“Oo nga no, anyare kay Lloydie?”

“Simpleng simple si JLC, pero sana naman medyo nag ayos ng slight and the hat….beket genen?”

“Dyan mo makikita sino madisiplina sa katawan look at diet, papa p and echo.. mukhang mga nasa 30s lang si lloydie mukhang pasingkwenta na ang lolo mo nakakaloka.”

Diether 7 taon nawala sa showbiz, naging choosy na ba sa projects?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

John Lloyd, GMA executive nag-meeting na: Exciting times ahead! Abangan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending