Maynilad nagbabala ng mas matagal na ‘water interruption’ simula April 1
NAGLABAS na ng abiso at babala ang Maynilad sa darating na April 1.
Inanunsyo ng water concessionaire na mas matagal ang mararanasang pagkawala ng tubig dahil sa bumababang lebel ng tubig ng La Mesa Dam.
Ayon sa inilabas na pahayag ng Maynilad nitong Match 29 ay napilitang suspindehin ng Manila Water ang “cross-portal supply sharing” sa nasabing dam dahil nga sa mabilis na pagbaba ng lebel ng tubig ng nasabing dam.
At dahil diyan ay nakipag-ugnayan na sila sa kinauukulan na mga ahensya tungkol sa kanilang sitwasyon.
“We met with the Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) and Manila Water this morning, March 29, 2023, to discuss the situation,” sey ng Maynilad.
Patuloy pa ng kompanya, “And while the cross-portal sharing will no longer be extended, the MWSS is sending a letter request to the National Water Resources Board (NWRB) for an increased allocation of 52 CMS (cubic meters per second) from April to May 2023 so that both Ipo and La Mesa Dams can fully recover and more raw water is conveyed to the Novaliches Portal.”
“This development will mean less supply for Maynilad to distribute, resulting in longer daily service interruption schedules starting April 1,” dagdag na abiso pa ng west zone concessionaire.
Magugunitang nagpatupad na ng daily water interruptions ang Maynilad noong March 28 sa ilang lugar sa Metro Manila at kalapit na probinsya upang tipirin ang natitirang supply mula sa Angat-Ipo system.
Gayunpaman, tiniyak ng Maynilad na gumagawa na sila ng mga hakbang upang mabawasan ang kakulangan ng tubig.
Isa na nga raw riyan ang pag-aayos ng mga tumatagas na tubig at pagpapalit ng mga lumang mga tubo.
Read more:
Michael de Mesa iyak nang iyak sa taping ng ‘Ang Probinsyano’ nang malamang patay na si Cherie Gil
Makati, Manila, Parañaque, Pasay walang tubig hanggang March 7 – Maynilad
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.