HOROSCOPE October 12, 2013 | Bandera

HOROSCOPE October 12, 2013

Madam Sophia - October 12, 2013 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Magiging masigla ang araw dahil sa malaking halaga ng salapi na biglaang matatanggap. Sa pag-ibig, pagdating ng hapon, lalong iinit ang pakikipag-relasyon sa isang Aquarius. Mapalad ang 6, 12, 22, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.”  Violet at red ang buenas.    
Aries – (Marso 21-April 19) – Iwasang magmayabang upang hindi ka kainisan! Higit na kikita ng malaking halaga kung papanatiliin ang pagiging low profile. Sa pag-ibig, wag dominahan ang kasuyo upang wag siyang sumpungin. Mapalad ang 1, 10, 19, 28,  40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Lilac at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Hanggat malakas ang kita mag-ipon. Wag ng hintayin uling masimot ang pera. Kapag marami kang savings magkakaroon ka ng security at peace of mind. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Harem-Aum.” Red at white ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) – Hindi dapat magpa-impluwensiya sa gusto ng iba. Ipakita at ipatupad ang sarili mong pasya. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa minamahal. Sa pinansiyal, pagkakataon mo ng sumugal sa mga produktong may kaugnayan sa grocery at pagkain. Mapalad ang 5, 7, 19, 26, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra.” Silver at maroon ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Iwasang maging pusong mamon! Wag basta-basta na lang magtampo sa kasuyo, ganon lang talaga ang ugali ng topaking Scorpio. Sa pinansyal, kung hindi ka napautang, wag sasama ang loob, maghanap na lang ng ibang mauutangan. Mapalad ang 6, 15, 21, 29, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Speculum-Om-Homine.” Green at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)  – Ikonsidera ang damdamin ng iba, hindi yong puro sarili mo lang ang iyong iniintindi. Sa pinansyal at pag-ibig, kapag marunong kang gumalang sa karapatan ng iba, mas mabilis kang unnlad at liligaya. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 48, Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Ghopalago.” Orange at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – Sa pag-ibig, isang kakalat-kalat na Libra ang agad-agad na makakaniig! Sa pinansyal, habang nagpapakasipag tuloy ang dating ng maraming pera at masarap na romansa. Mapalad ang 1, 9, 14, 19, 28, 40. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Dabra.” Blue at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)  – Basta’t lagi kang in love tuloy-tuloy sa pagdating ang suwerte na may kaugnayan sa pinansyal. Sa pag-ibig, lalong iinit ang pakikipagniig sa isang gusgusing Aquarius. Mapalad ang 6, 15, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Name-Aum.” Pink at violet ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) –  Kakaibang imbensyon ang matutuklasan. Yayaman ka sa pamamagitan ng unconventional at kakaibang paraan. Sa pag-ibig, nasasabik na ang kasuyo sa bagong istilo ng romansang matagal mo ng inihahanda. Mapalad ang 5, 9, 24, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Baba-Nam-Ke-Balam”. Green at maroon ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – May oportyunidad na darating sa pangingibang bansa – sunggaban agad. Sa pag-ibig, wag ng pakawalan ang kasuyong isinilang sa buwan ng Hunyo o kaya’y Mayo, ka-compatible at ka-tugma mo siya. Mapalad ang 5, 18, 25, 37, 41 at 49.  Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yamuna-Om.” Blue at magenta ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) –  Tandaang hindi mo madadala ang salapi sa langit.  Itulong ito sa mga gawaing may kaugnayan sa charity. Sa pag-ibig habang tumutulong sa mga kapos palad, mas madali mong matatagpuan ang true love. Mapalad ang 4, 7, 9, 25, 35, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Gonvinda-Om.” Beige at white ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Isang kaibigan ang mangangailangan ng tulong! Tulungan at damayan mo siya, wag lang sa pera. Sa pag-ibig, ngayon palang paglaanan na nang budget ang muli ninyong “pagde-date” ng kasauyong kuripot.  Mapalad ang 7, 11, 23, 29, 39, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vah-Weh.” Green at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) – Pera na naman ang magiging problema! Itigil na kasi ang negosyong hindi  naman kumikita. Sa pag-ibig, sundin ang suwestyon ng kasuyo, upang maiwasan ang palagiang pangungutang, magtipid. Mapalad ang 2, 11, 19, 32, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra:“Om-Padme-Om.” White at magenta ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending