Cai Cortez ibinandera ang 2-piece swimsuit, wapakels sa bastos na body shamers: ‘Ang importante, alam kong mabuti akong tao’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Cai Cortez
WALANG pakels at dedma lang ang character actress na si Cai Cortez sa mga bastos at walang kuwentang body shamers sa social media.
Para sa komedyana, hindi nagma-matter sa kanya ang mga pang-ookray o panlalait ng mga netizens sa kanya lalo na kapag nagpo-post siya ng kanyang bikini photos sa Instagram.
Nitong nagdaang weekend, muling ibinandera ni Cai ang bonggang litrato niya sa IG suot ang kanyang pink two-piece swimsuit kung saan proud na proud niyang ibinilad ang kanyang “voluptuous” body.
Ang isinulat niya sa caption nito, “There comes a time in your life when you don’t care,” Cai wrote.
“You (don’t) care what other people will say. You don’t care what other people will think,” mariin pang sabi ni Cai.
Ang mahalaga raw, dagdag pa ng aktres, ay alam niya sa sarili niya isa siyang mabuting tao at walang inaapakan at inaagrabyadong kapwa tao.
“Ang importante, alam ko sa sarili ko mabuti akong tao, mabait ako sa kapwa, mabuti akong ina, oks na ko,” sey pa ni Cai.
Isa ang komedyana sa mga female celebrities na walang takot na nagpo-post ng kanyang bikini at swimsuit photos sa social media bilang advocate ng body positivity.
“Gandaaaa mo pech!!!” ang comment ng Kapuso actress na si Camille Prats.
Sey naman ng beauty queen-turned actress na si Thia Thomalla, “YAAAZZZZ! daily reminder: HAPPY LANG!!!! by Carmencitaaaa!”
“PAKA INEEETT!!!!!” ang one-liner hirit ni Kakai Bautista.
“Ang ganda!” papuri ni Sheena Halili kay Cai.
“Fresh and sexy ate cai!” komento ni Eian Rances.
Narito ang ilan pang comments ng netizens sa IG post ni Cai Cortez.
“MY OG INSPIRATION. U AWAKEN MY INNER BADDIE AND IM ALWAYS GONNA BE GRATEFUL.”