Rendon Labador ‘minalas’, pinagbenta raw ng ticket ang guest band sa grand opening ng negosyo

Rendon Labador 'minalas', pinagbenta raw ng ticket ang guest band sa grand opening ng negosyo
DISMAYADO ang bokalista ng bandang Lily na si Joshua Bulot sa motivational speaker na si Rendon Labador matapos silang sabihan na magbenta ng ticket para sa grand opening ng kanyang bagong restaurant.

Sa kanyang Facebook page ay hindi nito napigilang ilabas ang saloobin sa pinapagawa sa kanila ng motivational speaker.

“Shoutout sayo Rendon Labador. Wala namang ganyana . Vocalist ako di naman ako sales. Gusto mo sa tapat ng bar mo magbenta kaming Lily Music ng ticket,” saad nito sa caption sa kanyang video post.

Dagdag pa niya, “Kakanta kami kahit walang tao.”

Chika pa ni Joshua sa video, gusto pa raw ni Rendon na sa harap ng bar niya mamigay ng flyers para sa naturang event.

Ang banda kasi niyang Lily ay isa sa mga guest artist na magpe-perform sa pa-event ng motivational speaker ngunit sa kasamaang palad ay nilangaw ito dahil walang bumili ng mga ticket para sa kanyang grand opening.

Matatandaang trending si Rendon dahil sa tila “pag-iyak” nito sa social media matapos na diumano’y “personalin” raw siya ng mga fans ng Kapamilya actor na si Coco Martin.

Ilang linggo na rin kasing tumatalak ang motivational speaker laban kay Coco ukol sa isyu raw ng mga vendors sa pagte-taping nito sa lugar para sa teleseryeng “GPJ’s Batang Quiapo” na nakaaapekto raw sa kanilang pagtitinda.

Baka Bet Mo: Rendon Labador ‘umiyak’ sa socmed, ticket sa grand opening ng negosyo nilangaw: Wala sanang personalan

Tinawag ni Rendon ang pansin ng aktor at sinabihan itong i-settle ang kanyang isyu sa mga tindero at tindera sa Quiapo dahil hindi raw maganda ang epekto ng ginagawa ng produksyon sa kanilang hanapbuhay.

Bagamat hindi pinapansin ay tila mas lalong nanggigigil ang binata kaya tuloy tuloy ang pambabatikos nito laban sa aktor sa social media.

Marami na nga sa mga netizens ang napapagod na sa kakaputak ni Rendon dahil parang ginagamit lang nito ang aktor para umingay ang pangalan sa social media.

Nagtagumpay naman ito dahil ngayon ay marami na ang nakakakilala sa kanya ngunit kasabay nito ang pagkaimbyerna at pagkainis ng madlang pipol sa kanya dahil tila nagpapapansin na ito sa aktor masyado.

Feeling pa ng iba ay strategy ito ni Rendon dahil nga opening ng kanyang bagong restaurant ngunit agad rin siyang binalikan ng karma ayon sa netizens dahil walang tumangkilik sa pagbubukas ng restaurant niya sa Quezon City.

Ayon sa huling update niya sa Facebook, pansamantala niya munang isasara ang restaurant kahit na nalugi siya sa mga ginastos niya sa paghahanda.

Sey ni Rendon, “Uulitin ko nalang ang grand opening. Sana masaya lahat ng Coco fans sa nangyari.

“I will struggle. I will fall down. But I will always rise back up. AND I’LL BE STRONGER THAN BEFORE. #stayMotivated.”

Related Chika:
Ogie Diaz tinalakan si Rendon Labador: Huwag natin pairalin yung pagiging siga

Rendon Labador kinuha noon para maging parte ng ‘Batang Quiapo’, may pa-open letter kay Coco Martin

Read more...