Donny Pangilinan game na game mag-experiment bilang aktor; umaming na-pressure nang unang sumabak sa showbiz

Donny Pangilinan game na game mag-experiment bilang aktor; umaming na-pressure nang unang sumabak sa showbiz

Donny Pangilinan at Belle Mariano

SA kabila ng pagiging anak ng mga sikat na celebrities at mapabilang sa mga showbiz royalties, hindi rin naging madali para kay Donny Pangilinan ang makapasok at makilala sa showbiz.

Nagbalik-tanaw ang ka-loveteam ni Belle Mariano sa naging journey niya sa mundo ng showbiz at dito nga niya nabanggit na marami rin siyang na-encounter na challenges bilang artista.

Sa isang episode ng “Star Magic Celebrity Conversations”, inamin ni Donny na totoong matinding pressure ang naramdaman niya noong bago at nagsisimula pa lang siya sa entertainment industry lalo pa’t kilalang magaling na aktres ang nanay niyang si Maricel Laxa.


“It’s not easy sa start, siyempre ang daming expectations, ang daming pressure pero after a while, you know, you get the hang of it,” pahayag ng Kapamilya heartthrob.

Sabi ni Donny, isa sa mga rason kung bakit ipinagpatuloy niya ang pagso-showbiz at hindi sumuko sa lahat ng hamon na kanyang hinarap ay dahil sa naibibigay niyang kaligayahan ay inspirasyon sa kanyang mga fans.

Baka Bet Mo: Tunay na relasyon nina Donny at Belle ibinuking ni Robi: Sila na yan! Sila na!

“I’m very blessed to be in this industry and to be in this position kasi bihira ‘yun eh, na may voice ka to make people inspired, motivated, to make them happy when they see your shows, your series,” sabi ng binata.

Ipinagdiinan pa niya na nabibigyan din siya ng kakaibang happiness kapag nakikita niyang marami siyang napapasaya, lalo na kapag magkasama sila ni Belle.


Ipinagpapasalamat daw niya sa Diyos na nabigyan siya ng pagkakataong makapagpasaya ng kanyang kapwa sa pamamagitan ng mga proyektong ipinagkakatiwala sa kanya ng ABS-CBN.

Samantala, game na game rin daw siya na gampanan ang anumang role na ibibigay sa kanya ng kanyang mother network dahil naniniwala siya na marami pa siyang dapat matutunan bilang artista.

“Right now I’m just open to doing new things. If I am given a role na hindi ko pa na-try, I am very eager to try it because it’s going out of your comfort zone again.

“Becoming something and someone you’ve never portrayed or experienced because it’s always a fun time every time na iba ‘yung character,” chika ni Donny.

Donny proud na proud sa ‘He’s Into Her’, pero umaming nape-pressure dahil…

Donny, Belle totoong-totoo ang ‘relasyon’, magkasabay na nagma-mature bilang magka-loveteam

Read more...