Belle Mariano ‘na-hot seat’ kay Karen Davila, sila na nga ba ni Donny Pangilinan?
TILA na-hot seat ang aktres na si Belle Mariano sa latest one-on-one interview vlog ng batikang journalist na si Karen Davila.
Tinadtad kasi siya ng mga tanong tungkol sa tunay na relasyon nila ng on-screen partner na si Donny Pangilinan.
Para sa kaalaman ng marami, si Karen ay isang malapit na kaibigan ng pamilyang Pangilinan at nasaksihan niya mismo ang paglaki ni Donny.
Sa YouTube video na ibinandera noong November 25 ay nagpunta pa mismo si Belle sa condo ni Karen na nasa Makati.
At ang unang-unang tinanong sa kanya ay kung bakit naisipang sumali ng aktres sa showbiz.
Ikinuwento naman ng aktres na sa murang edad na siyam ay nagsimula na siyang mag-artista.
Umamin siya na bata pa lang ay “bida-bida” na siya pagdating sa pagpe-perform.
Ibinahagi pa nga niya na halos isandaang auditions ang kanyang sinalihan para makapasok sa showbiz.
Chika ni Belle, “Well, ever since po talaga, it’s always been my passion to enter show business.
“Kasi ako po, may pagka bida-bida po ako, attitude pagdating sa family members ko. Kunwari may reunion po kami, usually ako ‘yung pupunta sa table, magpe-perform, mag-aaliw sa mga titas.”
Patuloy pa niya, “My tito kasi was from an agency before. So sabi niya, why don’t you try doing commercials? So I attended so many VTRs, as in almost 100 to the point na parang nawawalan na ako ng hope.”
Sinabi pa niya na kahit ilang beses siyang nabigo sa mga auditions ay hindi naman ito naging hadlang sa kanya na ipagpatuloy pa rin ang kanyang pangarap.
“I think the process, ‘yung lahat ng failures na pinagdaanan ko, lahat ng rejections na pinagdaanan ko, it is what made me who I am now,” sey niya.
Ibinahagi pa nga ni Belle ang isa sa pinakamahirap na naranasan at ito raw ay ‘yung pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista.
Kwento ng aktres kay Karen, “Siguro po that time, I was doing regular schools kasi and sa school ko po kasi hindi sila pumapayag na working ka at the same time you are a regular student.
“So I had to transfer to a school, I had to look for another school na suitable ‘yung situation ko na papayag sila na mag-adjust sila sa time ko.”
Hindi pa diyan natapos ang panayam ng brodkaster sa aktres dahil pagkatapos niyan ay nag-umpisa na siyang tanungin tungkol sa tunay na namamagitan sa kanila ni Donny.
Ang unang itinanong pa sa kanya ay kung ano raw ang naging reaksyon ni Belle sa on-screen partner at paano sila nagkakilala.
Chika ni Belle, “Actually, we met in a project e. A project he did before ‘He’s Into Her’ and support lang ako ‘nung time na ‘yun, and we played video games. He was really nice.”
Nabanggit pa niya na labis siyang natutuwa nang makilala at makatrabaho ang aktor.
Sabi ng aktres, “The more I get to know him, the more I can see how he really is, how genuine he is and how much he loves what he does and how caring he is. It comes through time and yeah, I’m glad I met him.”
Kaagad pa siyang tinanong ni Karen kung gaano na raw sila katagal ni Donny.
Biglang nagtaka si Belle at napatanong pa kay Karen na, “Paano pong together Tita Karen?”
Iniba kagad ng batikang journalist ang kanyang tanong at sinabing, “How will you describe your relationship?”
Sagot naman ng aktres,“I enjoy his company now and I saw his interview and he’s right, we’re both in a happy place.”
Tila nataranta naman si Belle nang nag follow-up question si Karen ng, “and is this happy place together?”
Sabi ni Belle habang tumatawa, “Grabe naman! May tubig po ba dito?”
At sabay sinabing, “We’re enjoying each other’s company, that’s all.”
Maliban pa diyan ay nagsunod-sunod pa ang mga nakakakilig na questions ni Karen, gaya ng “Would you say it’s special?,” ”Are you each other’s company?,” at “Are you each other’s bestfriend?” na lahat niyan ay napa-oo ang aktres.
At bilang malapit na ang pasko, itinanong rin sa kanya kung ipagdidiwang nila nang magkasama ang Christmas holiday.
Ayon kay Belle, hindi pa nila ito napag-uusapan pero nais niya raw makasama si Donny.
Sey niya, “We haven’t actually talked about it, but I hope so. I would love to spend Christmas with him.”
View this post on Instagram
Nag-share din si Belle na nagkaroon pa nga siya ng negative comments sa unang pagtatambal nila ni Donny.
Chika niya, “At first, may takot ako. I remembered just from ‘He’s Into Her,’ that time…and I was being paired up with Donny. ‘Nung una, people weren’t supportive of me being paired up with him and me portraying my character…So naka-receive din ako ng negative comments, but at the same time, I think it really comes from your love, parang gaano mo kamahal ang ginagawa mo.”
Noong November 2019 nang unang nagtambal ang dalawa.
Sumikat ang DonBelle loveteam dahil sa TV series na “He’s Into Her” na ipinalabas noong nakaraang taon.
Simula niyan ay nagkasunod-sunod na ang naging proyekto ng dalawa, kabilang na ang latest movie nila na “An Inconvenient Love.”
Related chika:
KDLex, DonBelle pinagsasabong, mga fans umalma: Wala po silang awayan, magkakaibigan ang mga yan!
DonBelle lumelevel na rin sa KathNiel, Ogie Diaz umaasang magkatuluyan ang dalawa
DonBelle bumandera sa isang US news outlet para sa ‘An Inconvenient Love’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.