DonBelle lumelevel na rin sa KathNiel, Ogie Diaz umaasang magkatuluyan ang dalawa Bandera

DonBelle lumelevel na rin sa KathNiel, Ogie Diaz umaasang magkatuluyan ang dalawa

Reggee Bonoan |November 24,2022
share this

DonBelle lumelevel na rin sa KathNiel, Ogie Diaz umaasang magkatuluyan ang dalawa

Reggee Bonoan - November 24, 2022 - 10:00 AM

DonBelle lumelevel na rin sa KathNiel, Ogie Diaz umaasang magkatuluyan ang dalawa

NOW it can be told na ang Donny Pangilinan at Belle Mariano loveteam ang makakapagpabalik ng sigla ng local films dahil sa pagkakaalam namin ay ang pelikulang “An Inconvenient Love” palang ang pinilahan sa mga sinehan on its first day of showing.

Kinunan ng supporters ng DonBelle ang mahabang pila sa sinehan sa Quezon City kung saan sarado pa ang katabing tindahan kaya naman ang saya-saya ng Team “An Inconvenient Love”. Nag-trending pa nga ang pelikula.

Kaya naman ang DonBelle ang isa sa topic nina Ogie Diaz, Dyosa Pockoh, Tita Jegs at Mama Loi sa kanilang “Showbiz Update” vlog na kaka-upload kaninang hapon.

Base rin sa vlog ay ipinakita ang video sa malls shows ng DonBelle na ilang palapag ng mall ay puno ng tao.

“Ang DonBelle na sa umpisa pa lamang ay kinagigiliwan na at napakarami na nilang fans at kahit saang mall shows ganapin ang kanilang presence ay lahat dinudumog, mass based kasi sila. Sumusunod na kaya ang DonBelle sa yapak ng KathNiel in terms of palakasan pagdating sa mall shows?” sabi ni Ogie na kasalukuyang nasa Las Vegas, Nevada USA ngayon.

Ipinakita rin sa Showbiz Update ang video ng KathNiel sa nakaraang mall show nila sa Ayala Mall Manila Bay na ilang palapag ay punumpuno ng tao bilang pasalamat nila sa mga sumubaybay ng serye nilang “2 Good 2 Be True”.

“Nakakaloka ‘yung sa Ayala Mall sa Manila (dahil) limang floors ‘yung inokopa ng fans para mapanood lamang sila, di ba?

“At itong DonBelle hindi naiiba at nalalayo kahit saan sila magpunta napakalakas nila sa mga tao. May advance screening sila sa Dubai, meron na rin sa Abu Dhabi at iba pang panig ng Middle East. Ganyan kamahal ng mga tao ang DonBelle,” kuwento ni Ogie.

Sa nakaraang premiere night ng “An Inconvenient Love” sa Megamall nitong Martes, Nobyembre 22 ay dumalo si mama Loi at ipinakita sa video kung gaano karaming taong dumalo at punumpuno ang dadaanan nilang red carpet.

“Ang daming tao nakakaloka at ‘yung mga fans hindi magkamayaw sa pagtili, pagsigaw, pagbigkas ng mga pangalan nila. Buhay na buhay na naman ang mga fans,” paglalarawan ni mama Loi.

Dumalo rin ang ibang cast ng pelikula at sabi nga ni mama Loi, “kinikilig ako sa DonBelle.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donny Pangilinan (@donny)

 

Humirit naan si Tita Jegs ng, “Naku, I’m sure marami na namang KathNiel fans ang mai-insecure diyan. Dapat isip-isip din ng bagong stratrgy para ma-sustain ang fame kasi kung hindi matatabunan sila ng DonBelle.”

Nanlaki ang mga mata ni Dyosa Pockoh sabay tawa, “ako ang nagtataka sa iyo Jegs.”

Sabi ni mama Loi, “hoy Jegs, nakakaloka ka! Wala namang dapat patunayan na ang KathNiel ‘no!”

Sagot ni Jegs, “wala naman akong sinabing may dapat patunayan.”

Dagdag pa ni mama Loi, “saka welcoming sila (KathNiel) sa mga bagong sumisibol na love team katulad nitong DonBelle. Naku ‘nay (Ogie) ah, wala kami ni Dyosa (sabay alis nina mama Loi at Dyosa sa harap ng camera.”

Say naman ni Jegs, “hello KathNiel fans (kumakaway). Ito ‘yung Gcash ko (sabay tawa).”

“Ang lakas talaga ng loob mo, ha?” tanong ni mama Loi kay Jegs na bumalik na sila sa harap ng kamera.

“Yan ang bagong strategy para tigilan ko na kayo (KathNiel fans). Basta ito ‘yung Gcash ko,” tumatawang sabi ulit ni Jegs.

Sa kabilang banda ay nangangarap ang tatlong hosts na sana hanggang sa huli ay DonBelle pa rin.

“Ganda siguro kung sila magkakatuluyan,” sambit ni mama Loi.

“Kinikilig ako sa kanila,”say naman ni Dyosa Pockoh.

Maging si Ogie ay umaasa na ang ending according sa fans ay DonBelle.

 

Related Chika:
Kaya bang isakripisyo nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang love para sa kanilang pangarap?

DonBelle inihalintulad ni John Lapus sa KathNiel

DonBelle bumandera sa isang US news outlet para sa ‘An Inconvenient Love’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending