‘Harry Potter’ star Daniel Radcliffe magiging tatay na, GF na si Erin Darke buntis sa kanilang first baby

‘Harry Potter’ star Daniel Radcliffe magiging tatay na, GF na si Erin Darke buntis sa kanilang first baby

KINUMPIRMA ng “Harry Potter” star na si Daniel Radcliffe na siya ay magiging isang ama na!

Ayon sa UK Media na Mirror, inanunsyo mismo ng aktor na ipinagbubuntis na ng kanyang longtime girlfriend na si Erin Darke ang first baby nilang dalawa.

Ang exciting news ay una ring ibinalita ng BBC matapos namang kumpirmahin ng tagapagsalita ng aktor.

Wala pang masyadong detalye na ibinigay, pero super excited na raw ang dalawa at kanilang pamilya.

“Daniel and Erin could not be happier to be expecting. They are absolutely thrilled, and can’t wait to become a family of three,” ayon sa source ng nasabing media outlet.

Dagdag pa, “They told their families and friends recently. It’s an incredibly exciting time.”

Bukod diyan ay kumalat din ang isang photo ng celebrity couple na makikitang malaki na nga ang tiyan ni Erin na tila nasa second trimester na ng kanyang pregnancy.

Taong 2012 nang unang nagtambal ang dalawa sa isang biographical drama film na “Kill Your Darlings.”

Matapos ang isang taon ay nagsimula na silang magdate.

Related Chika:

Ogie napamura nang ibenta ng anak ang mamahaling gamit sa FB live selling

Read more...