Itchyworms may alay na kanta sa kabandang nanirahan na sa Canada

Itchyworms may alay na kanta sa kabandang nanirahan na sa Canada

PHOTO: Courtesy Sony Music

MAY bagong inilabas na kanta ang OPM band na The Itchyworms!

Ito ang “Panic In My Mind” na dedicated para sa kabanda nilang lead guitarist na si Chino Singson na naninirahan na sa Canada kasama ang pamilya.

Gayunpaman, sinabi din ng bokalista at drummer na si Jazz Nicolas na siyang nagsulat ng kanta ay maaari rin itong bigyan ng iba pang kahulugan.

“The second half of the song shifts the narrative to a bitter person whose ex-partner is now with someone else, and is having a jealous existential crisis because of that,” sey ni Jazz sa inilabas na pahayag ng Sony Music.

Tampok sa “Panic In My Mind” ang signature music ng banda na kung saan mapapakinggan ang mala-60’s style pop vibe.

“We were going for a more organic sound with acoustic instruments as opposed to our previous album, Waiting For The End To Start, which had a lot of electronic elements,” paliwanag ng lead vocalist.

Aniya pa, “It also has a ‘60s vibe due to the jangly guitars and three-part harmonies.”

Ang The Itchyworms ay kasalukuyang abala sa kanilang kauna-unahang US concert tour na “Akin Ka Na Lang, Amerika.”

Nagsimula na ito noong March 24 sa New York City at nakatakdang matapos sa April 7 sa Las Vegas, Nevada.

Nakabandera sa official social media pages at website ng banda ang petsa at lugar ng kanilang concert tour.

Related Chika:

Liza may inamin tungkol sa mental health; Yassi naiyak nang mapag-usapan ang yumaong ama

Read more...