Kylie Padilla LODI ng mga single mom, payo sa mga kababaihan: ‘Kapag nadapa ka, iiyak mo lang, tapos tayo ulit, tuloy ang laban!’

Kylie Padilla LODI ng mga single mom, payo sa mga kababaihan: 'Kapag madapa ka, iiyak mo lang, tapos tayo ulit, tuloy ang laban!'

Kylie Padilla, Alas at Axl Abrenica

PARA sa maraming kababaihan, isa ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa mga nasa listahan ng female celebrities na itinuturing nilang LODI pagdating sa pagiging single mom.

In fairness naman kasi, talagang hindi nagpatalo si Kylie sa lahat ng mga pagsubok at problemang dumating sa buhay niya, lalo na sa usaping pag-ibig at pakikipagrelasyon.

Idol na idol ng mga nanay ang anak ni Sen. Robin Padilla lalo na ng mga single moms dahil mag-isa nga nitong inaalagaan at pinalalaki ang dalawang anak nila ng kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica.


Kaya naman sa selebrasyon ng National Women’s Month, kasama ang isa sa mga lead stars ng Kapuso hit action drama series na “Mga Lihim ni Urduja” sa mga  hiningan ng advice para sa mga tulad niyang single parent na patuloy lumalaban para sa kanilang mga anak.

Baka Bet Mo: BABAE IBANDERA: Mensahe ng Ilang artista sa pagdiriwang ng National Women’s Month

Payo ni Kylie sa lahat ng mga kababaihan – laban lang kahit laging tumutumba. Huwag na huwag susuko at magpapatalo sa mga challenges.

“Kung anuman ang gusto mo sa buhay, kung anuman ang dreams mo, mga pangarap mo, huwag mong hayaan na maapektuhan ka ng mga sasabihin ng ibang tao. Panindigan mo lang, ipakita mo lang na kaya mo.

“If ever man dumating yung panahon na madapa ka, iiyak mo, give yourself a moment, tapos tayo ulit, tuloy ang laban,” pahayag ni Kylie sa panayam ng GMA Regional TV morning show na “BizTalk.”

Samantala, para naman sa co-star ni Kylie sa “Mga Lihim ni Urduja” na si Sanya Lopez, sana’y magtulungan at magsuportahan ang lahat ng kababaihan sa buong mundo.

“Mga Kapuso, sa lahat po ng mga kababaihan, maraming maraming salamat po sa pagsuporta niyo sa amin at gaya ng pagsuporta niyo sa amin, sana suportahan natin ang bawat kababaihan.

“Kung ano man sila, ano man ang meron tayo sa kanila, basta mag-share lang tayo ng love at i-respect natin ang bawat isa,” mensahe pa ni Sanya.

Elijah Canlas sa kababaihan: Thank you for everything that you do

Alfred Vargas nanindigan para sa kababaihan: Kung wala kayo, wala talaga kami

Read more...