Fashionistang teacher winner ang pa-food trip sa mga estudyante tuwing Biyernes, rumaraket para sa extra budget

Fashionistang teacher winner ang pa-food trip sa mga estudyante tuwing Biyernes, rumaraket para sa extra budget

Mary Ann Garcia Ablihan

VIRAL na ngayon sa social media ang isang guro dahil sa kanyang paandar na libreng food trip para sa kanyang mga estudyante.

May pa-unli taho at ibang klase ng pagkain tuwing Biyernes si Mary Ann Garcia Ablihan sa kanyang mga estudyante sa Bagong Silang High School sa Caloocan City.

Baka Bet Mo: Ion inalala ang ‘paghihiwa’, paghampas sa likod tuwing Holy Week; Vhong gustong ulitin ang panatang ‘penitensya’

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ng fashionistang teacher at class adviser na naisipan niyang magbigay ng libreng food sa kanyang klase tulad ng unlimited taho, lugaw at pandesal, pancit at turon.

Sey ni Ma’am Mary Ann, talagang abangers daw ang kanyang mga estudyante tuwing Biyernes dahil nga sa kanyang palibreng snacks niya sa homeroom.


“Every Friday, ito talaga yung nilu-look forward naman ang Homeroom Class slash kainan. #ThankGodItsFriday,” sey ni titser.

Pagpapatuloy pa niya, “Bakit nga ba kami nagkakaroon ng food trip every Friday, pag homeroom?

“Sa limang araw ng pagpasok ng mga students, halos araw-araw 3 oras tulog, minsan nalilimot na kumain, and this time, is the only time na kahit papaano marefresh sila. Kaya we do this. Para naman may pahinga sila at kain din.

“And lastly, Saturday and Sunday, may raket kasi ako hahahahaha it is my way to give back to people. Grabe yung blessing ng Lord sa akin eh. Sobra,” lahad pa ni Teacher Mary Ann na una nang nag-viral noon sa socmed dahil sa kanyang mga pasabog na OOTD kapag pumapasok sa school.

Ayon pa sa viral na guro, ang ipinambibili raw niya ng mga pagkain ay mula sa mga kinikita niya sa kanyang mga raket, tulad ng pagsa-sideline sa pagiging  lecturer sa isang review center.

Narito ang ilan sa mga comments na nabasa namin sa FB post ni Teacher Mary Ann.

“Eeyy thankyou ulit ma’am sana sa susunod pwede na mag abot sa isang sec jan.”

“Wow galing naman ni maam.. Sana kaya ko din po wala budget kasi..hehe!

“Balik skwela na ako. Paanu mag-enroll sa 9-Babbage Madam, mkakahabol pa ba??”

“Maam Mary Ann Garcia Ablihan ano ngyari bat nadurog ung taho ? Haha nahirapan cguro mga student mo magbuhat knina..mdyo maselan kc yang taho kailangan sya dahan dahan pagbuhat.”

“Thankyou po ma’am aaaa naka tatlo po kami, iloveu.”

Elisse Joson sinagot ang ‘I don’t wanna wait’ hugot ni Mary Joy Santiago: ‘Self respect is power!’

KimXi perfect loveteam para sa nanay ni Xian: Wala kayong scandal, wala kayong third party, it’s very pure…

Read more...