Jeremy Glinoga inialay ang hugot song na ‘Bini’ sa isang mystery girl, sino nga kaya ang babaeng tinutukoy sa kanta?

Jeremy Glinoga inialay ang hugot song na 'Bini' sa isang mystery girl, sino nga kaya ang babaeng tinutukoy sa kanta?

Jeremy Glinoga

AYAW pangalanan ng Kapamilya singer-actor na si Jeremy Glinoga kung sino ang taong naging inspirasyon niya sa pagsulat sa bago niyang single na “Bini.”

Ni-launch na ang pinakabagong kanta ni Jeremy na nagsimula ang singing career matapos mag-join sa “The Voice Teens” noong 2017.

Ayon sa binata, ang “Bini” ay tungkol sa mga lalaking torpe, “We were just writing. It was me, sir Jonathan Manalo and sir Rox Santos. We always write and see what comes out of it.


“Sabi namin na we needed something na not too general, something more specific para mas unique lang. Ang dami na kasing love songs din. We wanted something that would stand out,” sey pa ni Jeremy sa zoom presscon para sa release ng bago niyang single.

Sa tanong kung meron ba siyang pinatutungkulan sa kanyang hugot song, “Siyempre aaminin ko naman there’s inspiration for this song. There’s a person that I wrote this to.

Baka Bet Mo: Pia nalusutan ang ‘family feud’ dahil kay Jeremy: Buti na lang nandoon siya at kinaya ko naman

“But for me, if that person would want to know if the song is about her, I’d gladly tell her. But in terms of disclosing who this song is specifically for, it’s just between me and that person,” aniya.

“Nakakatuwa lang and at the same time it’s funny seeing how many people are being guessed. Some people are taking na ‘yung ‘S’ na lumalabas sa cover art is a clue.

“Some are thinking na ‘yung outline mismo is a clue. Nakakatuwa the kind of guesses I see on social media,” sabi pa ng binatang singer.


Samantala, sa loob ng anim na taon mula nang pumasok siya sa entertainment industry, napakarami na niyang natutunan at na-experience.

“You can say that I’ve experienced more. From the six years I joined the music industry, I feel like people would be able to tell na my music now is more in depth and mas hands-on na ako ngayon sa music compared dati.

“It surprises me every single day. Bukod sa singing, songwriting and everything music, I have also been blessed with shows for hosting.

“It’s overwhelming and I feel humbled by the trust being given to me by ABS.

“It just makes me want to become better in all those aspects. It definitely opened new doors for me and hopefully more blessings in the future,” sabi ni Jeremy.

Available na ngayon ang “Bini” sa iba’t ibang streaming platforms.

Pia Wurtzbach ayaw nang bonggang-bonggang kasal: I want a really private and intimate wedding

Neri Miranda graduate na, may wais tips sa netizens: Maging masaya sa success ng ibang tao at gawing inspirasyon ito

Read more...