Marco tanggap ang pagiging single mom ni Cristine: ‘She’s very wife material, sobrang bait at walang arte’

Marco tanggap ang pagiging single mom ni Cristine: 'She’s very wife material, sobrang bait at walang arte'

Cristine Reyes at Marco Gumabao

WALANG itinatago o inililihim ang rumored couple na sina Marco Gumabao at Cristine Reyes pagdating sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Kamakailan ay kumalat sa social media ang mga litrato nila together nang magbakasyon sila sa Siargao at nitong nagdaang araw lamang ay nakita naman silang magka-holding hands sa isang mall sa Makati.

Sa grand presscon ng latest romcom series ng TV5 at Viva Entertainment last March 22, kung saan magkatambal sina Marco at Yassi Pressman ay natanong ang aktor about Cristine at ano na nga ba ang label ng kanilang relationship.

“Basta, you’ll find out when the time is right..Hindi rin naman sa hindi pa right time, pero siguro we’re just enjoying yung time namin na kami muna, wala munang nakikialam, nakikiusyoso.

“Kasi, the reason why I’m very private when it comes to love life is because kapag nalaman ng tao na, for example, you’re dating this woman, maraming makikigulo.


“Maraming eepal, maraming maninira. Yun ang ayoko. And at the same time, happy naman kami sa tahimik na buhay,” pahayag ng binata.

Patuloy pa niya, “And hindi naman kami nagde-deny ni Cristine. Of course, napag-usapan na rin namin to, we’re not denying anything.

“Unang-una, wala naman kaming tinatapakan. We’re both single. So parang mas masarap na private lang, walang nakikiusyoso,” diin pa niya.

Paglalarawan pa niya sa relasyon nila ni Cristine ngayon, “Kami siguro ni Cristine, kaya siguro nagki-click kami, kasi, outside of work, outside of the camera, we’re just two normal people.

“We enjoy going out, eating out. Going to public places, going to the mall. Hindi kami nagtatago yung nagma-mask at naka-shades sa mall.


“Kumbaga, if you will see us, then, people see us. Hindi kami nagtatago, and we’re not also… hindi naman namin binabalandra,” chika ni Marco.

Baka Bet Mo: Cristine Reyes pangarap maging news anchor tulad ni Mel Tiangco; wish makatrabaho sina John Lloyd at Ate Vi

Sa tanong kung masasabi ba niyang more than friends na sila ni Cristine, “Well, we started off as friends. Sa SOCO nga in ABS-CBN, nakatrabaho ko pa siya.

“So, na-form yung friendship namin and of course, what we have now is special, I can say. Ayoko munang magsabi ng mga label-label na ganyan,” sabi ng hunk actor.

Laugh naman nang laugh si Marco nang may magsabing “holding-hands while walking” pa lang ang label ng relasyon nila ng aktres, “Hindi naman. For me, yung label, it puts a lot of pressure to your relationship.

“Basta kaming dalawa, happy kami. We’re not seeing other people also. Mas pressure kasi ang mga kids nowadays with the labels,” katwiran ni Marco.

Anu-ano nga ba ang mga qualities ni Cristine na nagustuhan niya? “Ang nagugustuhan ko sa kanya, first of all, she’s very wife material. Sobrang bait niya. Wala siyang arte.”

Naikumpara pa niya si Cristine sa isang karakter ni Yassi sa serye nilang “Kurdapya”. Aniya mas gusto raw niya ang “babaeng walang hassle, hindi pa-diva, at yung masayang kasama kahit saan. And si Cristine, very loving, very caring.”

Tanggap din daw niya ang pagkakaroon ng anak ni Cristine, “Of course. I mean, she’s not the first woman naman to be a single parent and wala rin namang masama.”

Marco Gumabao nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Cristine Reyes: ‘Click kami in terms of mga trip sa buhay, sa ugali namin’

Cristine umiyak nang aluking magbida sa project tungkol sa marital affairs: OMG! I was shocked!

Read more...