UMAPELA sa publiko si Pangulong Bongbong Marcos ngayong ipinagdiriwang ng bansa ang “Earth Hour.”
Panawagan niya, makiisa sana ang mga kababayan na sabay-sabay patayin ang mga ilaw sa kani-kanilang mga tahanan ngayong March 25 simula 8:30 p.m. hanggang 9:30 p.m.
Ayon pa sa pangulo, isa itong malawakang hakbang upang makaiwas sa epekto ng climate change.
“Every year, the Philippines is hit with an average of 20 typhoons making it one of the most vulnerable countries to climate change,” paliwanag ng presidente sa isang Facebook video.
Patuloy niya, “As the earth’s temperature gets warmer with the world’s carbon footprint reaching a new all-time high of 36.8 gigaton in 2022, the world braces for the irreversible impact of climate change.”
Dagdag ni Pangulong Bongbong, “It only takes 60 minutes to do good for our future, 60 minutes to take notice and commit to saving Mother Nature to be united and take action because together nothing is impossible.”
“Let’s switch off and give Mother Nature 60 minutes to breathe,” aniya.
Para sa kaalaman ng marami, ang “Earth Hour” ay nagsimula sa Australia noong 2007 bilang kampanya ng international non-governmental organization na World Wide Fund for Nature.
At makalipas ang sampung taon ay isinulong na rin ito ng buong mundo upang ipagtanggol ang kalikasan at kapaligiran.
Read more:
Liza umapela na sa Senado para sa pagsasabatas ng ‘End Child Rape’ bill