Empoy todo-dasal na makita na ang kanyang ‘forever’, bet na ng sariling pamilya: Pwede na mag-settle down siguro

Empoy todo-dasal na makita na ang kanyang ‘forever’, bet na ng sariling pamilya: Pwede na mag-settle down siguro

PHOTO: Instagram/@empoy

GUSTO nang magkaroon ng sariling pamilya ang comedian-actor na si Empoy.

‘Yan ang inamin niya sa YouTube interview with Kapamilya broadcaster na si Karen Davila kamakailan lang.

Ayon pa kay Empoy, naniniwala siyang may “someone” para sa kanya at ito raw ay kanyang ipinagdarasal upang mahanap na niya.

Paliwanag pa niya, nasa edad na kasi siya at pakiramdam niya raw ay oras na raw upang siya’y magkapamilya.

“‘Yun po talaga and dine-desire ko kay God talaga na it’s time na…dahil lahat ng mga kapatid ko may family na,” sey niya kay Karen.

Aniya pa, “Ako naman for this age, pwede na mag-settle down siguro.”

Baka Bet Mo: Alessandra de Rossi kay Empoy: Pasensya ka na, hindi kita mahal

Inamin ni Empoy na nahirapan siyang makahanap ng “the one” dati, pero ngayon daw ay naniniwala siyang nasa “right timing” ang lahat.

“Before opo, parang searching ako ganyan. Pero doon pa rin po ako bumase sa kung sino ang ipo-provide ng Itaas sa right timing po,” sabi ng komedyante.

Tinanong din siya ni Karen kung nagtangka siyang manligaw sa ka-loveteam na si Alessandra De Rossi.

Diretsahang sinagot ng aktor na mas gusto niyang maging kaibigan ang aktres.

“Hindi po. Kasi mas gusto ko ‘yung magkaibigan kami. Mas masarap siyang kaibigan kaysa syota,” sagot ni Empoy.

Kamakailan lang ay inanunsyo ng dalawa na muli silang magtatambal sa isang romantic comedy film matapos ang anim na taon.

Pinamagatan itong “Walang Kaparis” na naipalabas na nitong March 23 sa Prime Video.

Matatandaang noong 2017 pa nung huling magtambal sina Alessandra at Empoy sa pelikulang “Kita Kita.”

Related chika:

Bea Alonzo nagpaka-’fangirl’ kay Michael V: Nakilala ko na sa personal si Bitoy!

Read more...