Kobe Paras, Erika Poturnak kumpirmadong hiwalay na

Kobe Paras, Erika Poturnak kumpirmadong hiwalay na

TOTOO palang hiwalay na sina Erika Poturnak at Kobe Paras.

Kinumpirma ito mismo ng ina ni Erika na si Ina Raymundo sa isang exclusive interview ng PEP.ph matapos tanungin sa kumakalat na isyu ng dalawa.

Ayon sa celebrity mom, hindi umubra ang long distance relationship pero ito ay parehong pinagdesisyunan nina Erika at Kobe.

“No, they’re not together,” sey ni Ina.

Paliwanag pa niya, “Basta wala na, yun lang. Hindi nag-work. Long distance does not work.”

“It’s a mutual decision. They’re good, no bitterness, nothing,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Erika Poturnak nagpabawas ng dibdib: Best decision ever!

Matatandaang nag-umpisa ang “dating rumors” ng dalawa noong June 2022 matapos ibandera ang sweet photos nila sa social media habang nagbabakasyon sa Bali, Indonesia.

Ngunit muli silang pinag-usapan makalipas ang tatlong buwan dahil agaw-pansin sa netizens na in-unfollow nila ang isa’t-isa sa Instagram.

Noong Setyembre ay binura na ni Kobe ang lahat ng posts niya sa Instagram at hindi na nga niya pina-follow si Erika.

Deleted rin sa IG account ni Erika ang mga litrato nila ni Kobe at wala na rin ang account ng basketball player sa mga pina-follow niya.

Si Erika ay ang panganay na anak ni Ina sa Canadian husband na si Brian Poturnak.

Habang si Kobe naman ay ang bunsong anak ng PBA legend at aktor na si Benjie Paras at dating aktres na si Jackie Forster.

Related Chika:

Kobe Paras, Erika Poturnak nagbakasyon sa ibang bansa: From Bali with love

Read more...