Korean actor Nam Joo Hyuk nag-military service na, panawagan ng talent agency sa fans: Please refrain from sending letters and gifts by mail

Korean actor Nam Joo Hyuk nag-military service na, panawagan ng talent agency sa fans: Please refrain from sending letters and gifts by mail

PHOTO: Instagram/@skawngur

NAGSIMULA na sa mandatory military service ang Korean actor na si Nam Joo Hyuk!

‘Yan ay kinumpirma mismo ng kanyang talent agency na SOOP sa pamamagitan ng social media post.

Sa Instagram, sinabi ng talent agency na nag-enlist ang aktor noon pang March 20 at kasalukuyan siyang sumasabak sa basic training.

“Nam Joo Hyuk enlisted in the military on the 20th of March and is currently receiving basic training,” saad sa anunsyo.

Nanawagan din ito sa fans na huwag na munang magpadala ng sulat o regalo habang nagte-training ang aktor.

Paliwanag ng SOOP, sakali kasing marami ang magdapadala kay Joo Hyuk ay posibleng hindi niya ito makuha.

Baka Bet Mo: Korean actor Nam Joo Hyuk sasabak na sa military service sa Marso

Caption sa IG post, “We kindly ask our fans that: Please refrain from sending letters and gifts by mail while the actor is serving his mandatory military service.”

“We appreciate and thank you for your support, however, if a large number of letters and posts arrive at once, they might not be delivered,” paliwanag ng ahensya.

Nag-suggest pa ang talent agency na sa kanilang kompanya nalang muna ipadala ang mga sulat para sa aktor habang nasa military training ito.

Lahad sa post, “We kindly ask you to send letters or anything else by mail to the management company while Joo Hyuk receives military training and after he is assigned.”

Noong nakaraang buwan lamang ay nagsabi na ang SOOP na papasok sa police squad ang aktor.

Limang linggo mananatili sa army training ang Korean star bago ilipat sa naka-assign na istasyon.

Noong Oktubre pa nang mabalitaan na naghahanda na para sa enlistment si Joo Hyuk.

Ilan lamang sa mga pinagbidahan ng aktor ay ang hit K-drama na “Start-Up,” “Weightlifting Fairy,” “Scarlet Heart,” at “The Bride of the Water God.”

Ang latest project niya nitong 2022 ay ang Disney+ series na may titulong “Vigilante” na katatapos lang i-shoot nitong Disyembre.

Matatandaan noong 2018 din ay bumisita si Joo Hyuk sa Pilipinas para sa isang fan convention na isinagawa ng isang local clothing brand.

Related Chika: 

Carlo ibinuking ang dahilan kung bakit hindi naka-join sa ‘Squid Game’; inalok sa role na ‘Ali’

Read more...