Yassi nagsalita na sa chikang magkaaway sila ni Nadine; nagulat din daw sa relasyon nina Issa at James

Yassi nagsalita na sa chikang magkaaway sila ni Nadine; nagulat din daw sa relasyon nina James at Issa

Nadine Lustre at Yassi Pressman

WALANG matinding away o big issue sa pagitan ng magkaibigang aktres na sina Yassi Pressman at Nadine Lustre.

Tinuldukan na ni Yassi ang mga espekulasyon na apektado ang friendship nila ni Nadine matapos bumandera ang relasyon ng kanyang kapatid na si Issa Pressman kay James Reid.

Sinagot ni Yassi ang tanong tungkol sa nasabing kontrobersya sa naganap na presscon ng kanyang latest romance-comedy series sa TV5 at Cignal TV na “Kurdapya.”

“Sige po para tapos na po, ha. Isang beses ko lang po ‘tong sasabihin. Wala pong problema,” panimulang pahayag ng dalaga.


“Kami po ni Nadine, okay po kami. Okay rin po ‘yung buong pamilya namin. At siyempre po, bago po nag-public ang lahat, lahat po naasikaso in private. So, lahat po walang problema,” ang sabi pa ni Yassi.

Pagpapatuloy pa niya, “And me and Nadine are cool, we’re friends. We’ve been friends ever since we were kids kaya naman, lahat po okay po.

“Tsaka ilang taon na rin po. Kaya ayon, sana everybody, let everyone be happy,” sabi pa ni Yassi.

Baka Bet Mo: Yassi binalikan ang moment nang mamatay ang tatay: Feeling ko I was having a stroke…halos manigas talaga yung face ko

Nabanggit din daw niya kay Nadine na nagkakaroon na siya ng anxiety dahil sa kaliwa’t kanang pamba-bash sa kanya ng mga netizens mula nang pumutok ang balita about Issa and James.

“She said sorry to hear that. ‘I hope you feeling better,’ siya po yung nagsabi nu’n (sa akin),” sey ng aktres.


At tungkol naman sa relasyon ng kanyang sisteraka at ni James, “Nagulat din po ako. Sabay-sabay po tayo. Pero nu’ng sinabi po sa akin ‘yun recently, hinayaan ko na lang po na ang mag-decision ‘yung mga tao.

“They’re old enough to make their own decision naman po. Lahat po ng tao may choice. At kung wala namang ibang tao na tinatapakan, feeling ko wala naman pong problema,” mariing sabi pa ni Yassi.

Matatandaang inakusahan noon ng mga JaDine fans si Issa na siyang dahilan ng breakup nina James at Nadine noong 2020.

Sa ngayon ay mukhang happy na rin si Nadine sa piling ng kanyang French businessman boyfriend na si Christophe Bariou.

Samantala, nagsimula na sa TV5 ang “Kurdapya” na mainit namang tinanggap ng mga manonood. At in fairness, puring-puri nila ang pagiging komedyana ni Yassi.

Kasama rin sa serye sina Marco Gumabao, Nikko Natividad, Ryza Cenon, Katya Santos, Candy Pangilinan at Lander Vera-Perez, mula sa direksyon ni Easy Ferrer.

James Reid, Issa Pressman may pa-‘soft launch’ nga ba ng relasyon, banat ng netizens: ‘Time is the ultimate truth teller talaga!’

Nadine Lustre mas hinangaan ng madlang pipol matapos ang pa-‘soft launch’ nina James at Issa

Read more...