SINAGOT na ng Kapamilya actor na si Coco Martin ang mga pahayag ng motivational speaker na si Rendon Labador laban sa kanya.
Sa kanyang pahayag kay MJ Marfori ay naitanong nga sa kanya kung ano ang masasabi niya hinggil sa isyu.
“Kapag hitik ang bunga talagang may babato at babato sa ‘yo. Ako, iniintindi ko na lang na siguro yung mga tao, gusto maghanapbuhay, o kailangan lang na gawin yun. Pero alam ko naman na sana, wala silang masamang intensyon na manggulo o makagulo kasi hindi maganda eh,” saad ni Coco.
Matatandaang tinawag ni Rendon ang pansin ng Kapamilya actor matapos niyang mabasa ang hinaing ng isang netizen patungkol sa taping ng “FPJ’s Batang Quiapo” na nakaaapekto raw sa kanilang pagbebenta sa lugar.
Hindi lang isang beses nangyari ang pag-call out nito kay Coco at may pa-video post rin ito kung saan tinawag niya ang aktor na “anak ng tokwa” at sinabihang huwag raw mang-istorbo sa Quiapo at sa halip ay maghanap ng sariling studio.
At bilang siya ang mas nakauunawa sa sitwasyon ay pinipili na lang magpatawad ng aktor sa kabila ng hindi magagandang sinasabi laban sa kanya.
“Pero sakin kasi, sabi nga nila kung sino yung nakakaunawa di ba, pagpasensyahan mo na lang, unawain mo na lang. Ako naman, sabi ko nga, sa lahat ba ng blessing na dumarating, siguro yung pagiging mabuting tao na lang ang binabalik ko, kaysa na patulan ko or ano,” chika pa ni Coco.
Baka Bet Mo: Rendon Labador binanatan si Coco Martin: ‘Hindi ka ba talaga nakakaintindi?’
Ipinaliwanag rin ng aktor na wala naman silang nilalabag na batas sa pagte-taping sa Quiapo dahil nagpaalam sila at alam nila ang kanilang ginagawa.
“Para sa akin kasi, mas marami tayong ano eh, bagay na pag-ukulan… naghahanapbuhay ka lang naman. Sa palagay ko naman wala kaming ginagawang masama, di kami lumalabag sa batas, kasi sa una’t una, alam namin po yung ginagawa namin,” sey ni Coco.
“Pangalawa, nagpaalam po kami sa mayor, sa Manila City Hall, meron din po kaming permiso, una sa ating kapulisan, sa barangay, at pati po sa simbahan ng Quiapo, at sa mga kapatid nating Muslim. Lahat ng yon, naka-organize, at napagpaalaman po natin,” dagdag pa niya.
Sa kabila naman ng mga batikos na ibinabato kay Coco ay marami naman ang nagtatanggol sa kanya.
Sa katunayan ay imbes na mag-focus sa isyu ay isa na naman ang natulungan ng aktor na makapagtrabaho at makabalik sa pag-aartista sa pamamagitan ng Kapamilya teleserye na “FPJ’s Batang Quiapo”.
Dininig kasi ni Coco ang panawagan ni Raul Dillo o mas kilala bilang Pinoy Frankeinstein na makabalik sa pag-arte at paghahanapbuhay na makatutulong sa kaniyang pangtustos sa pamilya.
Related Chika:
Rendon Labador muling bumanat kay Coco Martin: Settle niya muna siguro ang issue niya sa mga vendors
Rendon Labador kinuha noon para maging parte ng ‘Batang Quiapo’, may pa-open letter kay Coco Martin