#CoupleGoals: Rabiya, Jeric naging bonding moment ang pagsabak sa Jiu Jitsu

#CoupleGoals: Rabiya, Jeric naging bonding moment ang pagsabak sa Jiu Jitsu

KAKAIBANG bonding ang ibinandera ng celebrity couple na sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales.

Sumabak sila sa Brazilian Jiu Jitsu training, isang martial arts activity na may kinalaman sa pag-takedown, grappling at choking.

Sa Instagram, ibinandera mismo ni Rabiya ang naging training at kitang-kita ang pagiging palaban nilang dalawa.

Tiniyak ni Rabiya sa fans na walang nasaktan sa kanilang dalawa dahil inaalalayan sila ng kanilang coach.

Caption niya, “Jiu jitsu training for today! Don’t worry no one was badly harmed in making this video. We were supervised by trained coaches.”

Sey pa ng beauty queen-actress, “This exercise is good in building strength and power.”

Baka Bet Mo: BB Gandanghari super happy sa bonding nila ni Mommy Eva at Robin Padilla

Biro pa niya, “PS, ready na po kami sa Physical 100 PH edition [peace emojis].”

Makikita rin na nag-comment si Jeric at sinabing, “Let’s go babe [raising hands emoji] Physical 100 [laughing face emoji].”

Biro naman ng ilang netizens sa post ni Rabiya:

“Nagreready na si queen para sa bardagulan sino ba kasi kaaway mo queen HAHAHAHAHAHAHA”

“Swerte ni Kuuuuuys!!!!! Napapa ‘okay’ pa [laughing emoji]”

“Ang cute mo Ms. Rabiya HAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA gigil yarn? [laughing emoji]”

Matatandaang nitong Pebrero lamang ay kinumpirma ng Kapuso actor na nagkabalikan na sila ni Rabiya matapos maghiwalay nang ilang buwan.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nag-post ang binata ng mga litrato nila ng aktres at dating beauty queen kasabay ng pagbati niya sa dalaga nitong nagdaang Valentine’s Day.

Kasunod niyan ay inamin ni Rabiya sa panayam with King of Talk Boy Abunda na papayag na siyang magpakasal kay Jeric sakaling mag-propose na ito sa kanya.

Napabalitang nag-break ang dalawa noong June 2022 nang i-unfollow nila sa Instagram ang isa’t isa.

Related Chika:

LJ Reyes masayang nakipag-bonding sa mga anak: Best way to keep them away from screen

Read more...