Pokwang na-shock sa ginawa ng flight attendant habang nasa eroplano patungong US: ‘Naiyak ako…’

Pokwang na-shock sa ginawa ng flight attendant habang nasa eroplano patungong US: 'Naiyak ako...'

Pokwang at K Brosas

SHOOKT at napaiyak ang Kapuso comedienne at TV host na si Pokwang sa ginawa sa kanya ng isang flight attendant.

Ibinahagi ng komedyana sa kanyang mga fans at social media followers ang naging karanasan niya sa loob ng isang eroplano na pag-aari ng sikat na airline company.

Ayon sa controversial celebrity mom,  papunta siya sa San Francisco, California, USA pero hindi niya nabanggit kung ano ang gagawin niya roon. Wala rin siyang nasabi kung kasama niya ang anak na si Malia sa pagtungo ng US.

Sa pamamagitan ng Twitter, nag-post si Pokey kaninang madaling-araw, March 22, tungkol sa paglapit sa kanya ng isang babaeng flight attendant ng Philippine Airlines sa kanyang kinauupuan.


Binati at kinumusta raw siya ng stewardess sabay yakap sa kanya, “Ma share ko lang, this madam FA from @flyPAL nilapitan ako sa aking upuan habang nasa kalagitnaan ng flight to SanFran.

Baka Bet Mo: Kris na-high blood kaya hindi natuloy ang paglipad pa-Amerika, may hiling kay Angel

“Niyakap ako at sinabing, laban lang mahal ka namin at naniniwala kami sa katatagan mo bilang ina, nanay din ako kaya ramdam kita, hay naiyak ako e. thank U po,” mensahe ni Pokwang.

Ni-retweet din ng komedyana ang naging reply ng PAL sa kanya, “We care for you, Marietta! Mothers are our strongest protectors of the household.

“At natutuwa kaming nakapag-iwan ng magandang impression ang aming SFO crew. We are your home in the sky. Stay strong!” sabi pa ng nasabing airline company.

Hanggang ngayon ay hot topic pa rin ng mga netizens ang paghihiwalay ni Pokwang at ng American actor na si Lee O’Brian. Hindi pa rin kasi tumitigil ang komedyana sa pagpo-post ng mga kasiraan ng dating live-in partner na nanloko sa kanya.

Ibinisto ng komedyan na “palamunin” at “patabaing biik” umano niya si Lee na never daw nagbigay ng sustento sa kanilang anak. Siya rin daw ang bumuhay rito habang nagsasama noon.

Dimples Romana naging emosyonal nang magpalipad na ng eroplano ang anak:  Now that’s the DREAM…you GO GIRL!”

Boobay napaiyak nang makita ang litrato ng ex-dyowa sa Bora: Ang sakit pala kapag sinasabing ‘past na ito’

Read more...