Kris na-high blood kaya hindi natuloy ang paglipad pa-Amerika, may hiling kay Angel
HINDI natuloy ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa nakatakda niyang flight papuntang Amerika nitong Martes, May 3.
Base sa kanyang comment sa Cebu house-to-house Instagram post ng malapit na kaibigang si Angel Locsin ay inamin nitong hindi siya natuloy sa kanyang flight. Tumaas kasi ang kanyang blood pressure kaya hindi siya pinayagang lumipad ng kanyang doktor. Nauna naman na ang dalawang anak nitong sina Joshua at Bimb pa-Amerika gaya nga ng naisulat namin kahapon.
View this post on Instagram
Pabirong saad ni Kris, si Angel raw ang dahilan kung bakit hindi siya natuloy sa kanyang flight.
“Gel, ikaw kasi, last night sinabi mo na ‘Sana hindi ka pa matuloy, Ate…’ I said ‘Gel please don’t be mean, you know kailangan na talaga’ then you said: ‘Sorry Ate, selfish ako, di pa ako ready mag let go.’
“Grabe your gift of I don’t know if premonition or pang-awat, true enough nasa airport na si Kuya Josh, Bimb, and Rochelle. My doctors didn’t clear me to travel 140/92 waking BP, 136/93 pa rin until now… hindi ko kakayanin yung long haul flight,” pagbabahagi ni Kris.
Matapos nito ay humiling siya sa aktres na sana ay makadalaw ito sa kanya bago siya tuluyang lumipad papuntang Amerika.
“Nag-asthma attack last night, more than 6 weeks if chronic sinusitis, na lang sobra sobra ang pagkabilib at pag love ko sa yo. But please makakadalaw ka naman di ba?” request ni Kris.
Reply naman ni Angel, “omg ate sorry! Nandito pa ako sa Cebu ate! Visit kita agad.”
Dagdag naman ni Kris sa panibagong comment dahil tila naputol ang una niyang comment, “THANK God and praise our Creator my sons & I love you and as I have said, I could NEVER ask more from a friend, the younger sister I never had but now I treasure because you inspire me to better.
Pagpapatuloy niya pa, “You’ve taught me that quietly helping feels wonderful because it creates a very special BOND. Please naman Gel, naka rebook na for May 5- I badly need to go to Houston already.”
Sa ngayon ay mukhang deleted na ang karugtong na comment ni Kris dahil nang i-check namin ay wala na ito sa post ni Angel at ang naiwan ay ang unang mensahe nito sa kaibigan.
Samantala, wala pa namang balita kung makakabalik ba pa-Manila si Angel at kung magpapangabot ba sila ni Tetay bago ito lumipad para magpagamot.
Related Chika:
Joshua, Bimby lumipad na patungong Amerika, Kris nagpaiwan muna… bakit kaya?
Kris tuloy na ang pangingibang-bansa para magpagamot; nag-sorry kay Joel Villanueva
Kris tuloy ang pagpapagamot sa US, 4 na buwan mawawala sa Pinas kasama ang 2 anak
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.