Topless photo ni Jeremy nilagyan ng malisya, sey ni Pia hindi ‘dilig’ ang Vitamin D: ‘Yung nakukuha sa sun exposure, kayo naman!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Jeremy Jaunty at Pia Wurtzbach
NILAGYAN ng malisya ng ilang netizens ang latest Instagram post ni Pia Wurtzbach patungkol sa kanyang fiancé na si Jeremy Jauncey.Siguradong tawa nang tawa ang TV host-actress sa mga naging reaksiyon ng kanyang IG followers sa dalawang topless photo ni Jeremy na ibinahagi niya sa social media.
Kuha ang mga litrato ni Jeremy sa Seychelles, Africa na nilagyan ni Pia ng caption na, “Another adventure with my love (blue heart emoji).
“My daily dose of Vitamin C…cos when I see you, oks na me. Kung may Vitamin D, mas happy (sun and laughing and crying emojis). @jeremyjauncey,” ang sabi pa ng dalaga.
Para sa ilang netizens, may double meaning daw ang pagkakasulat ni Pia ng “Vitamin D” sa kanyang caption dahil feeling nila ang tunay na kahulugan daw nito ay “dilig” o “sex.”
Narito ang ilan sa mga comments ng mga IG users sa mga litrato ni Jeremy na ibinandera ng Pinay Miss Universe.
Ang sabi ng kaibigan niyang ace photographer na si BJ Pascual, “PIA WURTZBACH – A TRUE GAY ICON!!!!!”
Puro fire at heart emojis naman ang ipinost ng mga kaibigan niyang sina Bretman Heart, Maureen Wroblewitz, Gazing Ganados at marami pang iba.