Bela Padilla inatake ng matinding nerbiyos habang idinidirek si Lorna Tolentino: ‘Hindi ko lang ipinahahalata sa kanya’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Yoo Min-gon, Bela Padilla at Lorna Tolentino
FEELING blessed and lucky si Bela Padilla dahil nabigyan siya ng chance na makatrabaho ang award-winning veteran actress na si Lorna Tolentino.
FEELING blessed at lucky ang aktres na si Bela Padilla dahil nabigyan siya ng chance na makatrabaho ang award-winning veteran actress na si Lorna Tolentino.
FEELING blessed at lucky ang aktres na si Bela Padilla dahil nabigyan siya ng chance na makatrabaho ang award-winning veteran actress na si Lorna Tolentino.
Si Bela ang lead star, nagdirek at sumulat ng kuwento ng pelikulang “Yung Libro sa Napanood Ko” na official entry ng Viva Films sa 1st Summer Metro Manila Film Festival (MMFF), mula April 8 hanggang April 18.
Gagampanan ni Lorna sa movie ang nanay ng karakter ni Bela habang ang Korean actor namang si Yoo Min-gon ang makakatambal ng huli.
Inamin ni Bela sa ginanap na mediacon ng “Yung Libro sa Napanood Ko” last Saturday, March 18, na itinatago lang niya ang sobrang kaba kapag kinukunan na ang mga eksena nila ni LT.
“Ako, hanggang ngayon, kinakausap ko si Miss LT even before naming mag-shoot, pero iba siyempre yung nasa set na kayo.
“Hindi ko ipinapahalata pero kabang-kaba ako kapag nasa set si Miss LT kasi gusto kong maging professional, pero pinadali po niya ang buhay ko,” pahayag ng aktres, direktor at scriptwriter.
“Si Miss LT, may isang eksena kami na nagkukuwentuhan bago mag-take kasi ang akala ko matagal pa yung setup.
“So, nagkukuwentuhan kami sa rooftop tapos tinawag na kami ng DOP [director of photography] na okay na. Naka-setup na, puwede nang pumasok si Miss LT sa eksena.
“I remember asking her, ‘Do you want a moment? Gusto mo bang magpatugtog ako ng music?’ Sabi niya, ‘Hindi. Okay lang.’
“Pag-action, tumulo agad yung luha niya, samantalang everyone is so well-prepared at talagang magagaling,” ang pagbabalik-tanaw ni Bela patungkol kay Lorna.
“May running joke po kami sa set. Siya po ang aming ‘Vatican Actress.’ Meron kaming staff na ini-introduce niya si Ms. LT kay Yoo Min-gon,” pagtukoy ni Bela sa Korean leading man niya sa pelikula.
“Ang gusto niyang sabihin, batikang artista. Ang nasabi niya, The Vatican Actress,” sabi pa ni Bela.
Natanong din ang aktres kung saan siya mas nahirapan, sa unang directorial job niyang “366” na napanood sa Vivamax noong April 15, 2022, o ang “Yung Libro sa Napanood Ko.”
“Actually, parang mas mahirap ho itong second movie. Kasi nung first, I had Direk Irene (Villamor) with me on set as my creative director. Ngayon, wala na akong bantay. Ako na lang yung creative director.
“So it was my first time na ang feeling ko talaga, parang I was responsible for everyone. And the difference also is we shot majority of the movie in Korea, seventy percent of the film.
“Siyempre, nakikisama ka rin sa bagong members ng staff ng production na hindi ko pa nakakatrabaho before.
“There was also a language barrier. Pero I’m so grateful kasi lahat ng mga nakatrabaho ko, kahit sa Korea, sobrang madali.
“Hindi kami binigyan ng sakit ng ulo. Sobrang smooth ng naging transition namin from Philippine shot to Korea shoot. Ang laking factor na lahat ng actors on set knew their characters so well. Yung pressure was lifted off my shoulder,” pahayag pa ni Bela.