Trina Legaspi 1 week nang walang tulog mula nang isilang si Baby Kaela: ‘Parang nag-slow mo nu’ng narinig ko na ang iyak niya’

Trina Legaspi 1 week nang walang tulog mula nang isilang si Baby Kaela: 'Parang nag-slow mo nu'ng narinig ko na ang iyak niya'

Trina Legaspi, Ryan Jarina at Baby Kaela

ISANG linggo nang walang tulog ang first-time mommy na si Trina “Hopia” Legaspi pati na rin ang kanyang asawang si Ryan Jarina.

Kapapanganak pa lang ng aktres at dating child star last week sa panganay na anak nila ni Ryan na pinangalanan nilang Baby Kaela.

Ipinost ni Hopia sa kanyang Instagram account ang mga litrato niya sa loob ng hospital room habang kalung-kalong niya ang sanggol.

Ayon sa dating “Goin’ Bulilit” star, talagang biglang nagbago ang buhay nilang mag-asawa nang isilang na niya si Baby Kaela. Aniya, napatunayan na niya na mahirap na masarap ang maging nanay.


Sa caption ng kanyang IG photos, nabanggit ni Hopia kung gaano kahirap ang manganak pero worth it na worth it daw ang tiniis niyang pain habang nagle-labor.

“Last week at 5:09 pm, our lives changed forever! 8 hours of labor and 1 hour of pushing, thank you Lord for giving me the strength,” simulang pagbabahagi ni Hopia.

Baka Bet Mo: Premyadong aktor napasigaw sa kakulangan ng tulog; DonBelle pasabog ang aktingan sa ‘He’s Into Her’

Sabi pa ng aktres, hanggang ngayon daw ay hindi pa rin siya makapaniwala na isa na siyang mommy. Ibang-iba raw yung feeling nang makita at marinig na niyang umiyak ang kanyang baby.

“Parang nag-slow mo ‘nung narinig ko na iyak niya, sobrang surreal, ‘di ko mapigilan umiyak. You are worth all the pain our baby girl. Daddy and I love you so much,” pagbabahagi pa ni Hopia.

Patuloy pang kuwento ng aktres, “As first time parents, totoo nga po ang sabi nila, 1 week na po kaming walang tulog ni (Ryan).”


Pinasalamatan din ni Hopia ang mga doktor na nagpaanak at nag-alaga sa kanya habang nasa ospital.

“Thank you Lord for using the people in the room, Doc. Ces (OB), Doc. Shane (Anesthesiologist) and Doc. Vicky Sison (Pedia) to help me bring Kaela safely and also to our Jarina and Legaspi families for constantly praying for us (pray sign emoji),” sabi ni Hopia.

Ilan sa mga celebrity mothers na bumati kay Hopia ay sina Elisse Joson, Melai Cantiveros at KitKat.

Ikinasal sina Trina at Ryan noong November, 2021 sa Christ the King Parish sa Greenmeadows, Quezon City. Ayon kay Ryan, doon ginanap ang wedding bilang pagtupad sa wish ng namayapang lolo at lola ni Ryan na magpakasal sila sa simbahan.

Joyce Pring knows na kung bakit laging galit ang mga nanay; Althea Ablan, Elijah Alejo may aaminin sa TBATS

Ex-Goin’ Bulilit star Trina Legaspi buntis na sa 1st baby: It’s not a prank anymore!

Read more...