Feeling superstar na aktor mapili sa projects kaya 'nganga'; CEO ng clothing line ayaw makisawsaw sa bardagulan sa socmed | Bandera

Feeling superstar na aktor mapili sa projects kaya ‘nganga’; CEO ng clothing line ayaw makisawsaw sa bardagulan sa socmed

Reggee Bonoan - March 20, 2023 - 08:21 PM

Feeling superstar na aktor mapili sa projects kaya 'nganga'; CEO ng clothing line ayaw makisawsaw sa bardagulan sa socmed

Guess, guess who!? Ma-gets n’yo kaya kung sino siya?

NAALIW kami sa kuwento tungkol sa isang aktor na kaya pala wala siyang trabaho ngayon ay dahil namimili pala siya ng projects.

Ang gusto raw niya ay puro siya ang bida, kesehodang mas malaki ang pangalan ng mga artistang makakasama niya.

Inalok kasi ang aktor para sa isang TV series na ang bida ay marami nang napatunayan at siya nga ang second lead. Pero tinanggihan niya ito dahil puwede naman daw na pantay sila ng role ng bidang aktor, kumbaga, puwede pang gawan ng paraan.

Nagkatinginan daw ang direktor, creative head at producer sa reaksyon ng aktor na wala pa namang napatutunayan kaya ano ang karapatan nitong mag-inarte?

May nagpadrino lang daw sa aktor na bigyan siya ng trabaho dahil nga walang work at namumublema dahil nahihiya siyang manghingi sa magulang niya na parehong kilala sa industriya.

Naisip namin na baka kaya namimili ang aktor ay dahil gusto niyang patunayan sa magulang niya na  sikat na siya dahil magaganda ang pelikulang offer sa kanya.

“Baka, pero sa panahon ba ngayon uso pa? Ang uso ngayon maliit o malaki as long as may trabaho kang regular, iyon ‘yun. Hindi dahil bida ka. E, yung inaalok sa kanya pangmatagalan ‘yun,” tsika ng aming source.

At dahil sa naging reaksyon ni aktor ay sinabihan siyang hindi kayang gawan ng paraan ang hinihingi niya dahil gawa na ang script.

* * *

May running joke ngayon ang ilang CEO ng kumpanya lalo na iyong mga nasa linya ng beauty products dahil sa nangyayaring parunggitan at bardagulan ng ilang negosyante.

Sabi ng ilan, “Parang hindi na magandang pakinggan ngayon kapag sinabing CEO ka ng company kasi may karugtong kaagad, magko-concert ka ba? Kakanta ka ba?”

Actually, natanong ito sa CEO at owner ng Beautederm na si Ms. Rei Anicoche-Tan kamakailan. Ito’y may kaugnayan sa dalawang girl boss ng skin care products.

Sabi nga ni Ms. Rei, hindi siya nakikialam sa mga ganitong isyu at hayaan na lang kung ano ang ikaliligaya ng iba at higit sa lahat hindi siya marunong sumayaw, magnegosyo ang forte niya.

Isa si Ms. Anne Barretto, CEO at founder ng Hey Pretty Skin ang natanong din namin tungkol dito at aware rin pala siya sa mga isyu.

Baka Bet Mo: ‘Pagpisil’ ni James Reid sa nipple ng kaibigang CEO pinagpiyestahan sa socmed: Ano ba talaga koya?

“Oo, social bardagulan, nakikita ko po sa online. Ako po since nasa online (business) hindi ko po pinapasok or hangga’t maaari ay ina-out ko ang sarili ko sa mga issues-issues kasi ang personality ko po talaga ay hindi ganu’n.

“Honestly being nasa online rin, medyo stressful sa side ko kasi iniisip ko paano ‘yung mga distributor na ang gusto ay yung maingay, magulo.

“For me, kasi nahihirapan akong makakuha ng distributor sa online kasi nga mas gusto nila ‘yung maingay, e, hindi po kasi ako nakikisawsaw,” paliwanag ni Ms. Anne.

Ang ibig niyang sabihin ay mas pinapaboran ng mga distiributor iyong maingay sa social media dahil ang paniniwala nila kahit negatibo ang issue ay malaking publisidad ito.

Pero para kay Ms. Anne, “Gusto nila maki-join ako para in ako, e, hindi ko po personalidad iyon. Sabi nga nila mahirap maging CEO kasi kailangan mong mag-concert, e, wala po akong talent diyan, negosyo lang po talaga ang alam ko.

“Tulad nitong latest clothing line ko na Pink n Classy, na marami ang nagulat kasi galing ako sa beauty products tapos heto damit naman. Mahilig kasi ako sa pagpapaganda, isa sa hilig ko ang fashion.

“May in-house kasi kaming designer, so everytime na nagpapagawa ako ng damit (for occasions) ang daming nakakapansin na maganda raw at nagtatanong kung saan nabili, so naisip kong gawing business na lang.

“Kaysa bumili ako sa mga branded store, e, marami namang nakaka-notice at nagkakagusto sa mga dress na gawa ng aming in-house designer, ginawa ko ng negosyo.

“Pero limited edition lang for every design, 15 pieces lang in every month pag naubos na po, hindi na ulit magkakaroon. Mabibili po ito online at open po ako sa reseller at distributor,” aniya pa.

Ginanap ang launching ng naturang brand sa pamamagitan ng isang fashion show na dinaluhan ng ilang kilalang modelo at social media influencers nitong Linggo ng gabi hosted by Dianne Medina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andrea Brillantes sa pagiging pinakabatang celebrity CEO: Dream ko talaga ang magka-business

Charo Santos inatake rin ng anxiety dahil sa pandemya: Hinarap ko yung takot ko sa COVID

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending