Darryl Yap kay Imelda Marcos: ‘Kahit si Superman magmumukhang mahina kumpara sa lakas, tatag at tibay ng babaeng ito!’

Darryl Yap kay Imelda Marcos: 'Kahit si Superman magmumukhang mahina kumpara sa lakas, tatag at tibay ng babaeng ito!'

Imelda. Marcos (Photo from Darryl Yap’s Facebook)

BINIGYAN ng bonggang pa-tribute ng controversial director na si Darryl Yap ang dating First Lady na si Imelda Marcos.

Ayon kay Direk Darryl, bilib na bilib ang batambatang filmmaker sa ina nina Pangulong Bongbong Marcos at Sen. Imee Marcos sa lakas, katapangan at paninindigan nito.

Nag-post ang direktor ng “Maid in Malacañang” at “Martyr or Murderer” sa Facebook ng throwback photo ng dating Unang Ginang kalakip ang magagandang salita para rito.

“Kahit si Superman magmumukhang mahina kumpara sa lakas, tatag at tibay ng babaeng ito,” ang bahagi ng FB post ni Direk kamakalawa, March 18.


Dugtong pa niya, “Malayo sa pagiging perpekto pero pinakamalapit sa Tao. Makahulugang Buwan ng mga Kababaihan sa lahat ng Pilipina sa buong Mundo.

“Pagbati sa iyo at sa iyong Ina, Senator Imee. Nananatiling Makapangyarihan kahit walang kapa, suot ang kalasag ng damdaming makabansa,” ang mensahe  pa ni Direk Darryl Yap.

Sandamakmak na reaksyon naman ang nakuha ng FB post na ito ng direktor. Narito ang ilan sa mga nabasa namin.

“She suffered a lot during childhood. Kahit galing xa sa mga mayayamang angkan ng mga Romualdez sa Leyte, e cla nmn ang pinka-mahirap sa angkan nila. Tumira cla sa balcony or garahe ng mama nya kc di cla tanggap ng mga anak ng tatay nya sa unang asawa. At ang pinakamasakit she lost her mother at 8.

“Nagtrabahong sales lady sa isang music store hbang nag-aaral xa para lng may pangbuhay sa sarili nya. I can’t imagine kung gano kahirap at sakit ung pinagdaanan nya na lumalaking ulila sa ina at di ka pa tanggap ng mga kapatid mo.

“Kaya salute to this legendary woman tlga, mapa hanggang ngayon matatag pa rn na nakatayo sa kabila ng mga pinagdaanan nya,” ang mahabang komento ng isang netizen.

“NAPAKATIBAY KAHIT SA KANYA NA BININTANG LAHAT LIBONG KASO ANG HINARAP PERO NANATILING MATATAG KAHIT MAG ISA HINARAP ANG LABAN FIRST LADY IMELDA WALANG KATULAD HINDI MARUNONG SUMUKO SA MGA PAGSUBOK.”

“Super touch ako direk sa caption mo, plus pic ng former first Lady…I love marcoses ever since.“


“Absolutely true and I love her humbly powerful strength within and out…I love when she declares I believe in DIVINE JUSTICE! before and afterthe Trial of the Century in New York..And victory after victory in every case filed against them!”

Baka Bet Mo: Darryl Yap bad trip sa staff ng airline company: Sa lakas ng bunganga n’yo magtsismisan, alam na namin mga pinagdaanan n’yo…

“The real Mother of this country who Sincerely and Whole Heartedly Loved this country and the Filipino people… mabuhay kayo Madam.”

“She made things happen for the good of the people. In fact in Tacloban, we felt like she had a magic wand for her power to resolve our problems everytime she comes to visit. So for us little kids and toddlers then, she was like a fairy godmother of our city.”

“Naiintindihan ko n kong bakit pinabagsak ang mga marcos noon dahil sa sobra nilang pagiging maka bansa tamo maski ngayon kong sino ang mabuti yon ang pinipilit hilahin pababa..but atleast nagising na tayo dpa man lahat pero sana soon.”

“She’s like a wonder woman yeah oh just carefull and take care Ms. Sen. Imee Marcos.”

“Pinakamahusay na pers lady sa buong mundo.”

“Totoong tao, mahal ang kapwa Pilipino at pinagpala ng Dios.”

Ruffa may nadiskubre kay Ferdinand Marcos, Sr.: He’s very romantic pala, nakita ko yung love letters niya kay Madam Imelda

Madam Kilay proud na ibinandera ang panganganak: ‘Welcome to the world Baby Lakas!’

Read more...