#CoupleGoals yarn: Kathryn, Daniel natupad ang pangarap na makakain sa ‘Hell’s Kitchen’

#CoupleGoals yarn: Kathryn, Daniel natupad ang pangarap na makakain sa ‘Hell’s Kitchen’

PHOTO: Screengrab from Kathryn Bernardo’s Instagram video

ISA sa bucket list ng powerhouse couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang natupad.

Ito ay ‘yung makakain sila sa restaurant ng sikat na British celebrity chef na si Gordon Ramsay, ang “Hell’s Kitchen” na nasa Dubai.

Sa Instagram, proud na ibinandera ni Kathryn ang video na enjoy na enjoy nilang mag dyowa ang kinaing fancy course meal.

Ilan sa mga natikman nila ay ang pan-seared scallops, filet mignon, beef wellington, sticky toffee pudding, cheesecake at marami pang iba.

Bukod pa sa mga putahe, ipinakita rin sa video na inspired ang interior sa hit reality show ni Gordon na kapangalan ng resto.

Caption sa post, “Finally ticking this one off of our bucketlist. Yay! I’ve always wanted to try their famous beef wellington.”

Baka Bet Mo: Ano kaya ang magiging role nina Kathryn, Daniel kung papasok ito sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’?

Dagdag pa niya, “Tip: End your meal with their sticky toffee pudding. SOOO GOOD!”

Napa-comment naman ang ilang celebrities sa post ni Kathryn at kabilang na riyan ang Fashion content creator na si Patricia Prieto at G-Force dancer na si Grace Fujita.

“The best [ happy face with hearts emoji],” sey ni Grace.

Comment ni Patricia, “Omg fun!!!”

Ang reel-and-real life couple ay nasa Dubai para sa “G Kapamilya” concert series.

Ang American reality cooking competition na “Hell’s Kitchen” ay umiikot sa dalawang koponan ng mga chef na nais maging head chef ng isang restaurant.

Ang 21st season ng show ay natapos nitong Pebrero na kung saan ay ang dating restaurant owner na si Alex Belew ang nanalo.

Related chika:

Bianca Gonzalez may ‘birthday gift’ sa sarili, pina-tattoo ang pangalan ng mga anak

KC Concepcion nagtamo ng 2nd degree burn matapos maaksidente sa kitchen

Read more...