Nadine Lustre mas hinangaan ng madlang pipol matapos ang pa-‘soft launch’ nina James at Issa

Nadine Lustre mas hinangaan ng madlang pipol matapos ang pa-'soft launch' nina James at Issa

BUMUHOS ang suporta ng madlang pipol sa aktres na si Nadine Lustre matapos ang tila pa-soft launch ni James Reid at Issa Pressman ng kanilang relasyon.

Marami sa mga netizens ang mas bumilib sa Metro Manila Film Festival 2022 Best Actress dahil sa kabila ng mga balitang naglabasan noon patungkol sa kanilang paghihiwalay ng aktor at ang diumano’y pagkaka-involve ng kaibigang si Issa bilang dahilan ng paghihiwalay nila ay wala itong masamang sinabi laban sa dalawa.

Matatandaang January 20, 2020 nang kumpirmahin nina James at Nadine ang pagtatapos ng kanilang halos apat na taong relasyon sa join official statement na ipinadala nila sa “Tonight With Boy Abunda”.

May mga chikang kumalat noon na diumano’y nag-cheat raw si James sa aktres para kay Issa. Kasabay nito ay ang pagkalat ng video kung saan sinasabi ng netizens na naghahalikan raw ang dalawa habang nasa tabi lang nila ang aktres ngunit hindi ito mabigyan ng kumpirmasyon lalo na’t malabo ang video.

Bukod pa rito, pinabulaanan ng dalawa ang diumano’y dahilan ng kanilang break up at sinabing matapos ang kanilang pag-uusap ay nagdesisyon silang maghiwalay para makapag-focus sa kanilang personal growth ngunit mananatili silang magkaibigan.

Bahagi ng official statement nina Nadine at James noon, “It’s true that we have split up but not for all the reasons that are being spread on the tabloids and social media but because after quiet and mature conversations, we decided to focus on ourselves not only for our careers but more for our personal growth as we are still young and we want to achieve as much as we can.

“We agreed that going separate ways was best for both of us. We are in good terms and are still really good friends and will continue to work with each other especially when it comes to music.”

Bagamat marami sa mga fans nina James at Nadine ang nasaktan sa pangyayari ay pinili nilang suportahan ang desisyon ng mga iniidolo.

Baka Bet Mo: Nadine Lustre inspirasyon sa bagong kanta ni James Reid

Ngunit dahil sa in-upload ni James at Issa nitong Huwebes ng gabi na tila pagsasapubliko ng kanilang relasyon ay nanggalaiti ang mga netizens at sinabing kahit na anong tago ay lalabas rin daw ang “katotohanan”.

“Nadine got out of a messy relationship. focused on her solo career without shading + bad mouthing the two. and now she’s happy + thriving as an [individual] artist and in a happy rela with her non-showbiz beau. happy for her. deserve all the best,” tweet ng isang netizen.

Chika naman ng isa, “To see you happy and contented with what you have right now makes us(your fans) happy too,
Nadz. Never let those smiles fade away. For nad’s true friends and current boyfriend, thank you for giving her the assurance of love.”

“Despite the betrayal, Nadine Lustre still chose to defend Issa and Yassi Pressman and even James Reid before. She didn’t even throw any hate to them. And also to their circle of friends who tolerate Issa and James. She really has a pure heart. How could you hate this girl?” sey naman ng isa.

Samantala, muli namang itinanggi ni James ang mga buwelta ng netizens kay Issa sa kanyang inilabas na statement nitong Biyernes ng gabi, March 17 at sinabing “The past rumors about Issa are just that, rumors.”

Pagpapatuloy niya, “I usually NEVER address bashers or get involved in hate culture but I feel the need to speak up now because this is the start of something beautiful. And I’m not gonna let anyone take that from me.”

Para naman sa ibang netizens, kung totoo man o hindi ang isyu ng “cheating” at “third party”, dapat raw ay hindi pa rin niligawan ni James si Issa lalo na’t naugnay ito sa hiwalayan nila ni Nadine.

Samantala, wala pa namang pahayag si Nadine hinggil sa isyu.

Bukas naman ang Bandera para sa panig ng mga taong sangkot sa isyu.

Related Chika:
James Reid, Issa Pressman may pa-‘soft launch’ nga ba ng relasyon, banat ng netizens: ‘Time is the ultimate truth teller talaga!’

Kalat na: Kapatid ni Yassi sinisi sa paghihiwalay nina James at Nadine

Read more...