NAGBIGAY ng pahayag ang beteranang aktres na si Yayo Aguila hinggil sa kinakaharap na isyu ng aktres na si Liza Soberano.
Sa kanyang panayam na mapapanood sa YouTube channel ng N01 Entertainment ay natanong siya tungkol sa kontrobersyal na aktres at sa pahayag nitong “nakahon” siya noon sa isang love team at nawalan ng kalayaan na magdesiayon sa mga bagay na gusto niya.
“Matter of choices lang naman ‘yun sa buhay. Kung sinabi ni Liza ‘yun, right niya ‘yun to say pero sabi nga niya, out of context naman kinuha ng mga tao [ang statement niya],” umpisa ni Yayo.
Dagdag pa niya, “So I guess, si Liza mabait naman na bata ‘yun. So sino naman ako para mag-comment.”
Aniya, kaya naman daw nabubuo ang love team ay dahil ito rin ang gusto ng publiko.
“Itong iniikutan nating mundo, entertainment to. May business element ‘to, di ba. So ganun talaga yung mga love team. Kaya nagkakaroon ng love team kasi yun ang gusto ng mga manonood. Kaya ginagawa ang love team,” pagbabahagi ni Yayo.
Pagpapatuloy pa niya, “So ikaw bilang artista, kahit na may manager ka, di ba may say ka rin naman. So basta maging clear ka lang kung ano yung gusto mo.”
Ito rin daw ang palaging sinasabi ni Yayo sa mga taong humihingi ng advice sa kanya kahit walang ka-love team.
Baka Bet Mo: Royce Cabrera hindi lumafang ng tinapa at kangkong bilang paghahanda sa laplapan nila ni Yayo Aguila
“Dapat alam mo muna kung ano gusto mo. Tapos pag may gusto ka, yun ang sabihin mo, ‘Ito yung gusto ko’. Tapos pag may pinapagawa sayo na ayaw mo, sabihin mong ayaw mo. Then you can work around [and compromise]. Ang pangit din naman na sasabihin mong ginagawa mo lang kasi sinabi sayo.
“Kasi kung ayaw mo, di naman mapapagawa sayo. Ngayon pag ginawa mo, kasi umoo ka, wag mong sasabihing hindi mo gusto, kasi ginawa mo rin e. May choice ka naman always,” sey pa ni Yayo.
Kaya nga raw may manager o handler ang isang artista ay para ito ang magsabi ng mga hinaing ng talents kung nahihiya itong magsalita.
Chika pa ni Yayo, “Naniniwala ako na never mangyayari ang isang bagay kung hindi mo ginusto o hindi mo gusto.”
Aminado rin si Yayo na malaking tulong ang pagkakaroon ng love team sa pagsikat ng isang artista at matalino na ang mga manonood ngayon dahil kaya na nilang ihiwalay ang mga love teams na sa tunay na buhay ngunit mas marami lang talagang opinionated na tao na nakakabastos na rin sa iba.
Nagkatrabaho ang dalawa sa pelikulang “Just The Way You Are” na ipinalabas noong 2015.
Related Chika:
Paolo, Yayo naiyak sa pag-amin ng LGBTQ Bar topnotcher sa ‘Bawal Judgmental’
Kim Molina, Jerald Napoles hindi makapaniwalang inalok ng comedy series: Sure po ba kayo?