Hirit ni Zack Tabudlo nang pakinggan ni BTS Jungkook ang kanyang kanta: ‘I can now die in peace’

Hirit ni Zack Tabudlo nang pakinggan ni BTS Jungkook ang kanyang kanta: ‘I can now die in peace’

TRENDING sa social media ang Pinoy singer-songwriter na si Zack Tabudlo!

Paano ba naman kasi, pinakinggan ng isa sa mga miyembro ng K-Pop sensation na BTS na si Jungkook ang kanyang hit song na “Give Me Your Forever.”

Kumalat ang video ni Jungkook matapos ang kanyang livestream sa fan platform na Weverse noong March 14.

Papuri pa ng BTS member sa kanta ni Zack, “Oh, his voice is so good, I like it. I’ll be saving this song to my playlist already.”

Nakarating kay Zack ang viral video mula sa isang BTS fan account at shinare din ito mismo sa kanyang Twitter.

Kahit ang OPM singer ay hindi makapaniwala at tuwang-tuwa na nakasama na ang kanta sa playlist ni Jungkook.

Baka Bet Mo: Zack Tabudlo may pa-‘soft launch’ ng dyowa, si Moira dela Torre nga kaya?

Tweet ni Zack, “So, [I just woke up] and apparently I was blowing up on social media because… THE JUNGKOOK. THE GOLDEN MAKNAE. JUST LISTENED TO GIVE ME YOUR FOREVER. I CAN NOW DIE IN PEACE HOLY SHT [crying, heart emojis] he even said he added my song to his playlist.”

Sa isa pang Twitter post ay lubos na pinasalamatan ni Zack ang isang fan dahil ito ang nag-request sa K-Pop idol na pakinggan ang kanyang kanta.

“Big shoutouttt to @koobviously for requesting gmyf YOU’RE A LEGEND [red heart emoji] thank u thank u thank u!,” sey ni Zack.

Matatandaang nag-umpisa ang singing career ni Zack noong 2013 matapos sumali sa first season ng singing competition na “The Voice Kids.”

Ilan pa sa mga sikat niyang kanta ay ang “Nangangamba,” “Binibini,” “Habang Buhay” at marami pang iba.

Related chika:

Zack Tabudlo damay sa hiwalayang Moira-Jason?

Pia Wurtzbach ‘binalaan’ ng TikTok followers ni Joshua Garcia: ‘Walang Miss U-Miss U dito!’

Read more...