Bea Alonzo sa mga manloloko: You cannot play with anybody’s heart

Bea Alonzo sa mga manloloko: You cannot play with anybody's heart

NAGBIGAY ng mensahe ang Kapuso actress na si Bea Alonzo sa mga taong cheaters o mga manloloko.

Sa kanyang panayam sa socialite na si Small Laude na mapapanood sa YouTube channel nito ay diretsahan siyang tinanong nito kung naranasan na ba niya ang maloko.

Natatawang pag-amin ni Bea, maraming beses na raw siyang nakaranas ng kaso ng cheating.

Dagdag pa nita, sa daming beses raw niyang naranasang maloko ay iisang tao lamang ang may kagagawan nito.

Hindi naman pinangalanan ng aktres kung sino ang nanloko sa kanya at hindi na rin masyadong nag-usisa si Small. Sa halip ay hiningian na lamang niya ng advice ang atres kung ano ang masasabi nito sa mga taong nanloloko at mga taong naloloko.

“Sa mga cheaters, you cannot play with anybody’s heart. You really have to stop… Minsan, aakalain mo na parang, ‘You can just wing it—okay lang ‘yan. She will be able to move on’ but what you don’t realize is that you can leave a scar to that person,” saad no Bea.

Dagdag pa niya, “Minsan, hindi mo alam what it does to that person na minsan, ‘yung napag-cheatan mo, hindi mo alam na nag-iiwan ‘yun ng bakas na hindi na niya makikilala ‘yung sarili niya in the end.”

Baka Bet Mo: Bea Alonzo napa-’senti’ mode tungkol sa buhay, netizens naka-relate: ‘You inspire a lot of people’

Chika pa niya, “So, it’s really something that is very serious, and you really have to take it seriously. And if you’re not happy with that person, then, you can always find a way to end it properly and respectfully.”

Nagbigay rin ng mensahe ang aktres para naman sa mga taong nabiktima ng panloloko.

“It will get better. You just have to take it one day at a time. It may seem like right now it’s the end of the world and you’re in so much pain but I’m telling you, it will get better,” sey pa ni Bea.

Related Chika:
Lolit Solis tuloy ang pambabasag kay Bea Alonzo: Kapag katabi niya si Yasmien Kurdi mukha siyang…

Fans ni Kim to the rescue matapos ang kontrobersyal na komento sa ‘cheating’

Read more...