IBINAHAGI ni Camille Prats na nagkaroon siya ng masayang childhood sa kabila ng kanyang pagpasok sa showbiz sa murang edad.
Sa kanyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay natanong siya ng TV host kung pakiramdam niya ba ay napagkaitan siya ng kabataan lalo na’t maaga siyang namulat sa pagtatrabaho.
“Alam mo Tito Boy noong bata ako palagi kong naririnig ‘yun sa mga tao around me, especially sa may mga edad na ‘Kawawa ka naman kasi ang bata bata mo pa nagtatrabaho ka na. Hindi normal ang childhood mo. That’s what I would normally hear from people,” pagbabahagi ni Camille.
Aniya, kahit maaga siyang nag-work ay super grateful siya sa mga karanasan naging karanasan niya.
“But to be honest Tito Boy, I had a very unique childhood. Totoo ‘yon na hindi ko man naranasan ‘yung kung ano ba ‘yung normal na childhood para sa karamihan, but I would like to think na ‘yung buhay na binigay sa akin ng Diyos is the life He really wanted for me,” saad ni Camille.
Ayon pa sa kanya super saya ng kanyang naging childhood at para sa kanya ay blessing ang pagiging artista dahil noon pa lang ay pangarap na talaga niya ito at masuwerte siyang natupad niya ito.
Pagpapatuloy pa niya, “Hindi siya kapareho ng iba, unique siya, but I had so much fun. I loved what I was doing, even until now I’m so grateful to be in the business for 30 years,” lahad ni Camille.
Itinuturing rin niyang isang malaking blessing ito at palagi niyang bitbit ang mga karanasan.
“I really think it’ s a blessing. And ‘yung buhay ko na ‘yun noong kabataan ko, remembering all the projects that I did, those were happy memories for me,” sey pa ni Camille.
Related Chika:
Camille Prats sa pagkamatay ng unang asawa: I remember being so lost, hindi ako makapaniwala na nasa ganoon akong sitwasyon