Tita Joni sinupalpal ang kumukwestiyon kung bakit kumukuha siya ng komisyon kay Liza: Ako po'y hindi mukhang pera | Bandera

Tita Joni sinupalpal ang kumukwestiyon kung bakit kumukuha siya ng komisyon kay Liza: Ako po’y hindi mukhang pera

Therese Arceo |March 15,2023
facebook
share this

Tita Joni sinupalpal ang kumukwestiyon kung bakit kumukuha siya ng komisyon kay Liza: Ako po’y hindi mukhang pera

Therese Arceo - March 15, 2023 - 04:57 PM

Tita Joni sinupalpal ang kumukwestiyon kung bakit kumukuha siya ng komisyon kay Liza: Ako po'y hindi mukhang pera

INALMAHAN ng dating road manager at tiyahin ni Liza Soberano na si Tita Joni Castillo ang komento ng isang netizen patungkol sa kanyang pagkuha ng komisyon sa pamangkin.

Matatandaang nitong Lunes, March 13, ibinahagi ng aktres sa kanyang interview kay Boy Abundaang istorya patungkol sa mga taong nakakakuha ng mga komisyon mula sa kanya bilang artista.

Dito nga ay sinabi ni Liza na tatlo ang kumukuha sa kanya ng komisyon noon. Ito ay ang kanyang talent manager na si Ogie Diaz, road manager na si Tita Joni, at ang Star Magic.

Lahad pa ng dalaga, noong pumasok siya sa mundo ng pag-aartista hanggang 2015 ay 30% ang nakukuha ng kanyang talent manager, 20% naman ang road manager, at 10% naman ang Star Magic.

Si Tita Joni ay ang kapatid ng kanyang ama na si John na tumayong guardian, road manager at personal assistant ayon na rin kay Liza at siya ring naglapit sa dalaga kay Ogie Diaz upang maging artista.

Ang lumalabas nga ay tila lugi ang dalaga dahil halos 30% na lang mula sa kabuuang kinikita niya ang naiuuwi niya para sa sarili at para sa pamilya.

Dahil rito ay dumami ang mga pumuna at nang-bash kay Tita Joni dahil bakit hindi na lang ito mag-demand na lang ng sahod mula kay Liza at huwag nang mangumisyon.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz naguluhan sa ‘commission issue’ nila ni Liza Soberano: Saan ba galing kasi ‘yun?

Sa isang Instagram post ng tiyahin ni Liza ay nagkomento ng pagkahaba haba ang isang netizen at tinanong ito kung bakit kumukuha pa siya ng komisyon sa pamangkin.

“Ms. Jonilyn, bakit pos kumukuha pa kayo ng komisyon kay Liza Soberano sa po nagpasweldo nalang po kayo as RM & PA, hindi po yung may percentage ng salary ni Liza ang komisyon. Tuloy damang ngawa ni Liza kay Tito Boy Abunda,” tanong ng netizen.

Bukod sa pagtatanong ay ipinagtanggol rin ng netizen si Ogie Diaz na nasasangkot rin sa isyu at sinabing pinapanood niya ang dalawang side ng kwento.

Agad naman itong sinagot ni Tita Joni at ipinaliwanag ang sarili.

“Buti po pinapanood niyo both sides okie po yan, if tingin niyo may mali ako sorry po. Pero most of the time po yung pala-decide po kayo basta na lang kumada yan po ang nagpapalala. Basta ako po ay hindi mukhang pera ako po ay namumuhay ng sapat,” saad ng tiyahin ni Liza.

Minabuti na lang rin nitong huwag nang magbigay pa ng anumang komento ukol sa isyu dahil na rin sa pagmamamahal sa pamangkin at pagrespeto sa talent manager.

“Mahal ko po ang aking pamangkin. Ginagalang ko po si Ogie. Para sa akin na binigyan lang ng ganyang klaseng kulay, kulay ito dahil po sa mga napakakagaling kumuda kaya ang gulo na po,” sey pa ni Tita Joni.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Bwelta ni Ogie Diaz sa mga nagmamarunong: ‘Ang akala ng iba, kubra lang nang kubra ng komisyon ang manager’

Sagot ni Liza kapag nabigo sa Hollywood: ‘At least I tried, wala akong regrets pagtanda ko na hindi ko man lang sinubukan’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending