Jona nagluluksa sa pagkamatay ng 2 alagang hayop sa loob lang ng 4 na araw: 'Ganu'n pa rin yung sakit' | Bandera

Jona nagluluksa sa pagkamatay ng 2 alagang hayop sa loob lang ng 4 na araw: ‘Ganu’n pa rin yung sakit’

Ervin Santiago - March 15, 2023 - 11:12 AM

Jona nagluluksa sa pagkamatay ng 2 alagang hayop sa loob lang ng 4 na araw: 'Ganu'n pa rin yung sakit'

Jona Viray at ang kanyang mga alagang sina Garvy at Susie

IPINAGLULUKSA ngayon ng award-winning OPM artist na si Jona Viray ang pagkamatay ng dalawa sa mga alaga niyang hayop.

Ibinahagi ni Jona sa kanyang social media account ang litrato ng mga pumanaw niyang mga pets na nangyari sa loob lamang ng apat na araw.

Ngayong Miyerkules, March 15, ibinalita ng Birit Queen ang malungkot na balita sa Instagram kung saan nabanggit nga niya ang pagpanaw ni Garvy, na mahigit siyam na taon nilang nakasama matapos nila itong matagpuan sa basurahan.

Kasunod nito, sumakabilang-buhay din ang isang alaga niyang pusa na na-rescue nila noong kasagsagan ng pandemya, si Susie.

“In a span of 4 days we lost 2 pets.. Garvy who’s been with us for 8-9yrs, (we named him Garvy kasi nakita siya sa basurahan noong puppy pa siya), and Susie the cat that has literally no voice when we found her (cant remember why we named her Susie?)

“Basta when we saw her pre pandemic pa wala na rin siyang buntot, tinaga at binuhusan pa yata siya ng mainit na tubig,” pagbabahagi pa ni Jona.

Dagdag ng biriterang singer, kahit marami na siyang pumanaw na alagang hayop ay hindi pa rin nababawasan ang sakit na nararamdaman niya sa tuwing mamamatayan ng pets.

“We actually lost many pets/rescues already, but the feeling is still the same… di naman nababawasan sakit sa puso…Akala mo masasanay ka na pero hindi.

“The only thing thats comforting our hearts is at least tapos na yung paghihirap at sakit nila dito…. and they’re in a much better place now.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JONA (@jona)


“We will miss you Garvy, Susie, Phil, Borlog, Charlie, Kelly, Mami, Baby Girl, Poly, Bumble Bear, Karmencito, Bruno, Titan, Trina, and all our pets who already crossed the rainbow bridge,” mensahe pa ni Jona.

Sa panayam namin last year kay Jona, isa sa mga pangarap niya ay ang makapagpatayo ng animal shelter para sa mga “neglected or abused animals.”

Baka Bet Mo: Jona choosy pagdating sa lalaki: Hindi ako nagmamadaling magka-lovelife pero sana mahilig din siya sa mga hayop…

May mahigit 70 alagang hayop ang dalaga at umaabot daw sa P70,000 ang budget niya every month para sa mga ito at hindi pa kasama riyan ang ginagastos niya kapag dinadala niya ang mga ito sa mga vet.

“Ginawan ko po talaga ng paraan, nagkasya naman po sila sa bahay ko. At may kanya-kanya silang lugar doon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JONA (@jona)


“Sumabay din kasi yun that time na kailangan na kailangan na namin maghanap ng permanent place for our animal rescues kasi lahat sila nasa bahay ko lang.

“Imagine having 30 something dogs at 40 something cats inside your house ‘tapos nag-pandemic pa so 24/7 talagang kasama mo sila lahat. Siyempre inaalagaan mo silang lahat, di ba.”

“Ang fulfillment ko po na nakukuha ko rito ay yung siguro po, napa-practice ko yung simpatya at empathy natin.

“Hindi lang sa mga tao kundi pati sa ibang creatures kasi, kumbaga, sila yung kino-consider natin na voiceless na creatures, di ba?

“So, sino pa ang tutulong sa kanila kundi tayong mga tao na marunong mag-isip at may puso for those kind of creatures,” sey pa ni Jona.

70 na ang alagang aso’t pusa ni Jona sa bahay; gumagastos ng P70k kada buwan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jona nakiusap sa fans na nag-aaway-away dahil sa politika: Huwag po tayong magbastusan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending