John Arcilla super laugh sa tweet ng netizen tungkol sa mga karakter nila ni Janice de Belen sa ‘Dirty Linen’
By: Alex Brosas
- 2 years ago
Francine Diaz, John Arcilla at Janice de Belen
LAUGH nang laugh si John Arcilla sa isang tweet na nabasa niya sa social media.
Hindi natiis ng isa sa magaling na cast member ng “Dirty Linen” na hindi i-post sa kanyang official Instagram account ang tweet ng isang fan.
“Si Leona at Carlos ay hindi Fierro sila ay Luna. Flor de Luna at Heneral Luna,” tweet ng netizen na may Twitter name na Ronald Narciza.
Ang “Flor de Luna” ay ang sikat na soap opera ni Janice de Belen noong 80’s. Kalaban nito ang “Anna Liza” ng yumaong aktres na si Julie Vega.
Ang “Heneral Luna” naman ay ang blockbuster movie ni John na, kung hindi kami nagkakamali, ay kumite ng more than P300 million sa takilya.
Sa “Dirty Linen” ay mag-asawa sina Janice at John and they belong to the Fierro family.
“Natawa talaga ako sa tweet na ito. Happy Friday everyone! God bless us all! Thank you @inunad for a good laugh. @dreamscapeph @super_janice.” That was John’s caption sa tweet na kanyang ipinost.
Of course, amused na amused ang IG followers ni John. Sa comment section ay tuwang-tuwa sila sa nag-tweet.
“May point po Heneral.”
“I understood that reference hahahahahaha.”
“Ang galing tlga mg utak ng Pinoy.”
“Haha my point oo nga namn .ang galing magpatawa kung sino man.”
“Henyo fan pero totoo I’ve been a fan of Flordeluna at i watched Heneral Luna as well.”
“Natatawa talaga Ako sa pagiging contra Bida ni sir John Arcilla. hahahahaha nag e-enjoy po talaga Ako.”
“Tama! Yung mas inaabangan mo lagi syang galit kasi nakakatawa.”
“Ang galing nyo po sa linya nyong ‘dont even think about it ha’, parang ung sakit ramdam n ramdam nyo sa pag bigkas ng linya n un sir john. Ang husay nyo po tlga grabe lab u po.”
“Ay oo nga naman, whatta funny tweet ngayon Friday, pampa good vibes yan Kuya John @johnarcilla labyu.”
Anyway, painit nan ang painit ang mga eksena sa “Dirty Linen” dahil mabubulgar na ang lihim ni Leona (Janice). Nagbanta na si Carlos (John) nab aka mapatay niya ito kapag nalaman niyang meron siyang ibang lalaki.
Ang hindi alam ni Carlos, may bagong paandar si Leona at ito ay ang pagsasagawa ng fighting arena. Hindi aware si Carlos na maging ang kanilang anak na si Aidan (Zanjoe Marudo) ay isinalang na ni Leona sa laban.