Ruru basted kina Barbie at Yassi: ‘Ang tingin ko sa sarili ko noon sobrang pogi, grabe talaga yung confidence level!’

Ruru basted kina Barbie at Yassi: 'Ang tingin ko sa sarili ko noon sobrang pogi ko, grabe yung confidence level!'

Ruru Madrid, Bianca Umali, Mikee Quintos at Paul Salas

#NGANGA! Ilang beses palang nabasted noon ng mga niligawang young female celebrities ang Kapuso hunk actor na si Ruru Madrid.

Yan ang diretsahang inamin ng binata nang mapag-usapan ang tungkol sa kanyang lovelife sa nakaraang episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” sa GMA 7.

Pag-amin ng aktor at lead star ng latest Kapuso series na “The Write One” opposite his girlfriend Bianca Umali, isa lang ang naging dyowa niya bago naging sila ni Bianca — yan ay ang dati niyang ka-loveteam na si Gabbi Garcia.

Matatandaang nagtambal ang dalawa sa mga GMA series na “Naku, Boss Ko!” (2016), “Encantadia” (2016-2017), at “Sherlock Jr.” (2018).


“Nu’ng naging kami, sobrang bata pa po namin. Gabbi’s 15, ako po 16. And then, siguro somehow malaking factor yung magkatrabaho po kami, love team kami.

“Kailangan lagi kaming makita na sweet sa isa’t isa so siguro du’n namin na-discover, na in love kami. Kumbaga, nadala kami sa moment. Ako, personally, hindi pa rin po ako ganun kalawak yung kaalaman ko when it comes to love,” lahad ng Kapuso hunk.

Sumusumpa naman si Ruru na hindi si Bianca ang rason kung bakit sila naghiwalay ni Gabbi. Nilinaw din niya na hindi siya ang dahilan ng breakup nina Bianca at Miguel Tanfelix.

Samantala, inalala rin ni Ruru ang pagporma niya noon sa mga female youngstars. Ito raw yung panahong talagang feeling “GGSS” siya o guwapung-guwapo sa sarili.

“Siguro parang…ito aaminin ko, dati talaga pakiramdam ko, sobrang pogi ko, lalo na nu’ng hindi pa ako artista. I was so thin, sobrang payat ko. Iba pa yung hitsura ko, iba pa yung porma ko, iba pa talaga the way ako magsalita, iba pa.

“Pero tingin ko sa sarili ko, sobrang pogi ko. Like, yung confidence level ko, like, out of this world, ganu’n!” natatawang chika ni Ruru.

“So, lahat ng mga makasama ko, like for example makasalubong ko si Barbie (Forteza), first time ko siya makasalubong, niligawan ko siya. Niligawan ko si Yassi (Pressman). Niligawan ko si Lexi Fernandez (anak ni Maritoni Fernandez), mga ganu’n.

“Na parang sila, ‘Ha? Ba’t mo kami nililigawan?’ Bata ko pa nu’n, as in 14 pa lang,” pagbabalik-tanaw pa niya sa kanyang mga kalokohan.

“But then I realized, ayun yun ang nagpabago sa akin, Tito Boy, na lagi akong nababasted, tumingin ako sa salamin, sabi ko, ‘Anong problema sa akin?’

“Ang ginawa ko, Tito Boy, dun ako nag-start mag-workout, dun ako mag-start kahit paapaano magbasa-basa. Inayos ko yung pananamit ko,” aniya pa.

Sa isang bahagi ng panayan, sinang-ayunan din ni Ruru ang sinabi ng girlfriend niyang si Bianca na nag-break sila ng walong buwan after ng kanilang “parking lot” incident noong 2019.


“Siguro nu’ng time na yon, medyo bago pa lang po kami, first time ko siguro maramdaman yung maging seryoso sa isang relationship.

“I mean, before Bianca, parang may time sa sarili ko na parang, I know it’s hard na aminin to, but naging ganun po talaga ako, I mean, gusto ko rin pong maging honest din po sa inyo..

“Para akong nakikipag-date sa, like for example sa beauty queen, sa artista, so that maipagmalaki ko.

“May ganu’n akong klaseng treat before, na parang feeling ko, ego-booster siya for me. Na parang pagka nakipag-date ako sa certain girl na sikat o ano, nakaka-boost siya ng ego ko,” pag-amin pa niya.

“But then I realized, lalo na nang nakilala ko si Bianca, hindi yon yung mga bagay na dapat ipinagmamalaki ko. I mean, ang dapat ipinagmamalaki ko is yung mga bagay na totoo,” dugtong ni Ruru na ang tinutuloy ay ang kanyang pambababae.

“At nu’ng time na yon, siguro somehow, medyo nangangapa pa ako dahil siguro first time kong maging seryoso when it comes to relationship.

Baka Bet Mo: Carmina sa kambal na anak: Di ko sinasabing maging perfect kayo, pero alam n’yo na siguro kung ano ang right and wrong

“Para siguro somehow sa sarili ko, parang sinubukan ko na, ‘Kaya ko pa rin ba? Kaya ko pa rin bang kumausap ng ibang babae? Kaya ko pa rin bang manligaw?’

“Siguro somehow iyon yung dati kong sarili na tina-try pa rin kung… siguro tinitingnan ko sarili ko kung kaya ko pa rin yung mga ganung bagay,” aniya pa.

Sa tanong ni Tito Boy kung ano ang natutunan niya sa parking lot experience, “Number one, nakita ko yung worth ni Bianca. Siguro du’n pumapasok yung pag wala sa yo, dun mo siya hahanapin. Pagka nandiyan siya sa tabi mo, parang tine-take for granted mo siya.

“Pero nu’ng naramdaman kong na wala siya sa akin, dun ko naramdaman na hindi ko kayang wala siya.

“So, I did everything just to… para maging okay yung relationship naming dalawa. Kasi alam ko sa sarili ko na pag kasama ko siya, I’m at my best. Pag hindi ko siya kasama, pakiramdam ko I’m lost.

“Siya yung nagbibigay ng liwanag, ng daan sa akin. Pero nasaktan ko yung babaeng yon.

“So, sinabi ko sa sarili ko, kahit eight months akong nanligaw sa kanya ulit, hindi ako mapapagod na sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal at kung gaano siya kaimportante sa akin,” paliwanag pa ni Ruru.

Anyway, magsisimula na sa March 20 ang “The Write One” nina Ruru at Bianca sa GMA 7, habang may advanve streaming naman ito sa Viu Philippines sa March 18. Bida rin dito ang Kapuso reel and real life couple na sina Mikee Quintos at Paul Salas, sa direkyon ni King Marc Baco.

May mga bobo moments din ako habang heartbroken, nakakahiya! – Bela Padilla

Zanjoe mabentang-mabenta bilang leading man: Baka kasi kumonti na lang yung pagpipilian nila

Read more...