Pia Wurtzbach sa birthday ng kapatid: ‘Magmurahan na tayo ulit! Love you!’

Pia Wurtzbach sa birthday ng kapatid: 'Magmurahan na tayo ulit! Love you!'

PHOTO: Instagram/@sarahwurtzbach

MAY makulit na pagbati si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach para sa birthday ng kanyang kapatid na si Sarah.

Sa Instagram, ibinandera ni Pia ang video nilang dalawa na nagtatawanan at naghahampasan.

Biro pa ng beauty queen sa post, “Ganito kami magmahalan.”

Kasabay ng pagbati ni Pia ay napa-throwback pa siya noong mga bata pa sila.

Chika niya, “Kwento sakin ni Mama that the day Sarah was born, I was so excited daw to see her.”

“2 year old me was trying to peek at the crib to see and hold her. And I kept saying “Baby!! Baby!!” with matching nginig sa gigil [laughing emoji] I knew then that I had a partner for life [happy face with hearts emoji],” patuloy niya.

Aniya pa, “Love you sister. I’m always here to love and protect you. You know that.”

Baka Bet Mo: Pia Wurtzbach focus muna sa pamilya at kalusugan: I’m getting married soon!

Sa bandang huli ay binasag na ni Pia ang pagiging sweet sa kapatid at sinabing, “O sya tama na tong cheesiness. Ako din na ccringey na. Magmurahan na tayo ulit. Love you!”

Maraming netizens naman ang naka-relate sa post ni Pia at kinatuwaan ang makulit na relasyon nilang magkapatid.

Narito ang nabasa namin sa comment section:

“Me with my 5 sisters [laughing emojis] We’re not fighting mom, nag laro lang kami [laughing emoji].”

“Hindi ko rin alam bakit kailangan natin maghampasan nagkukwentuhan lang naman [laughing emoji].”

“I never thought na magaling ‘tong si Pia magpatawa. Parang minsan Ganito tayo mag joke hahaha!”

Kamakailan lang ay nagbigay ng update si Pia tungkol sa kanyang buhay na kung saan ay inanunsyo niyang malapit na siyang magpakasal sa fiancè na si Jeremy Jauncey.

Related chika:

Belle Mariano mala-girlfriend ang pagbati kay Donny: Celebrating you today!

Read more...